Day 13

679 15 0
                                    

Greg's Pov

Abala ako sa pag aayos ng papeles ng opisina ng may kumatok. Si Venice. Sa bawat araw na lumilipas ay unti unti na kong nahuhulog sa kanya.

Masasabi ko na ayaw ko syang mawala sa buhay ko.

Nagpunta sya dito at nag dala ng tanghalian ko. Lagi niyang pinaparamdam sakin na mahal niya ako.

"Kain ka na Greg."

"Salamat venice. Ang sweet mo talaga."

"Aba syempre. Mahal kita e."

Ngumiti lng ako at hinalikan sya.

Pagkatapos ay kinuha ko ang pagkain at nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng may kumatok.

Pumasok ang assistant ko at may binigay na envelope galing kay Abegail. Pinalapag ko lang sa lamesa.

Maya maya ko na titignan. Pagkatapos ko kumain.

Pagkatapos kong kumain ay inihatid ko na sya sa labas.

Bumalik na ko sa opisina ko at nakita ko ang envelope. Hindi naman ako interesado sa laman nun kaya nilagay ko nlng muna yun sa drawer ko. Saka ko nlng bubuksan pag tapos na ko sa mga gawain ko.

Venice's Pov

Pag galing ko sa opisina ni Greg ay pumunta ako sa condo ni Veil. Dinalaw ko ang kapatid ko pati c maam bernadeth. May pag uusapan kasi kami.

Pagpasok ko sa condo ay niyakap ako ni Veil at bineso nmn ako ni Maam Bernadeth.

"Oh iha bat nandito ka?"

"Gusto ko po sana kayong kausapin."

"Ano yun iha?"

"Gusto ko na pong umurong sa deal natin. Ayoko na po."

"Bakit ayaw mo na? Nahirapan ka ba?"

"Hindi po maam . Mahal ko po kasi ang anak nyo at ayokong masaktan siya. Gusto ko po maging totoo na ang lahat at di lng trabaho. Kahit kasi hindi nyo ko bayaran ay gagawin ko ang lahat para mahalin niya ko. Sana po maintindihan nyo at pasensya na." Sabi ko na naiiyak.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Naiintindihan ko iha at pumapayag ako . Masaya din ako at mahal mo na ang anak ko. Bagay kayong dalawa kaya nga ikaw ang pinili ko. Sana magkatuluyan kayo. Hayaan mo na ung kontrata. Wala ng bisa iyon at huwag ka rin mag alala kasi ako pa rin ang bahala sa pag aaral ng kapatid mo."

"Salamat po ma'am." Sabi ko.

"From now on you can call me mama. Mukhang magkakatuluyan na kayo ng anak ko iha. I'm so happy." Sabi niya.

"Okay po maa- mama." Sabi ko at tumayo."Aalis na po ako."

"Sige ingat ka iha." Sabi niya.

"Opo mama." Sabi ko .

Nagpaalam na ko sa kapatid ko at umuwi ng bahay.

At least sa ngayon hindi na ako nagtatrabaho sa nanay niya at hindi na siya magagalit sakin kung sakaling malaman nya.

--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon