Day 41

596 11 0
                                    

Venice's Pov

Nasa bahay pa rin ako nageemote. Hindi ko kasi matanggap pa na iniwan na talaga ako ni Greg. Paano ako magsisimula ngayon? Paano mabubuhay ang anak ko ng walang ama? Naiiyak ako sa naalala ko. Hindi matigil tigil ang luha ko sa pagpatak. Maya maya may tumawag. Si Aaron. Partner ni Greg. Kailangan daw si Greg sa opisina at kung hindi daw makakapunta ay ako nlng daw ang magrepresentative sa kanya. Wala naman akong kaalam alam sa pag oopisina kaya anong gagawin ko.

Pumunta na  lang ako para alamin kung anong problema. Pagdating ko doon ay tinulungan ako ni Aaron na ayusin ang mga problema at mula ngayon ako na muna daw ang magtatake over ng kompanya habang wala ang asawa ko. Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang trabaho. Kaysa naman mawala ang kompanya ng asawa ko. Kawawa naman ang magiging anak nya. Mag hihirap ang baby ko. Mabuti na rin ito para maging busy ako. Para makalimutan ko ang pag iwan sakin ng asawa ko.

Greg's Pov

Nasa condo ako ngayon umiinom ng alak. Miss na miss ko na ang asawa ko. Gustong gusto ko na makauwi kaso hindi pa pwede. Hindi pa nahuhuli yung mamatay tao na iyon. Mapapahamak si Venice pag umuwi ako. Hirap na hirap na ko sa kalagayan ko. Feeling ko mamatay ako sa bawat araw na hindi ko makasama ang asawa ko. Napaiyak ako . Dumating c Abegail galing sa labas. Nagshopping kasi sya.

"Oh anong drama iyan? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya pagkatapos ilapag ang pinamili niya.

"Pauwiin mo na ko Abegail. Miss na miss ko na ang asawa ko." Pagsusumamo ko sa kanya.

"Sorry, hindi ko magagawa ang gusto mo. Akin ka Greg. Akin ka lang Greg." Sabi niya.

"Hindi kita mahal. Hindi mo ba nakikitang ayaw ko sayo? Hindi ka ba nagsasawa? Bulag ka ba?" Sigaw ko.

"Mahal kita at lahat gagawin ko para mapasakin ka Greg kaya sa ayaw mo at sa gusto akin ka. Hindi ka makakauwi dito ka lng." Sabi nya sabay alis.

"Lintik na buhay to." Sabi ko at binato ko ang baso na may laman na alak. Di talaga ako pakakawalan ng babae na iyon. Wala na kong nagawa kundi umiyak ng umiyak.

--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon