Day 6

849 19 0
                                    

Venice's Pov

Wala akong pasok sa trabaho kaya naisipan kong mamalengke ng mga kailangan sa bahay. May allowance namn kasi ako na galing kay maam Bernadette kaya may panggastos ako.

Simula kahapon ay naging mabait na sa akin si Greg, kaso halata sa kanya ang pag iwas sa akin. Ewan ko ba doon. Parang ayaw nya na mapalapit ako sa kanya. Paano ko kaya magagawa ang misyon ko kung ganoon sya. Pagkabihis ko ay pumunta na ko ng palengke. Nilock ko ang pinto at sumakay na sa taxi.

Drake's Pov

Hay sa wakas nakauwi din.

Pumasok na ko sa bahay nila Greg. May duplicate key naman ako kaya pumasok na ko. Dahil sa pagod ay dali dali akong umakyat sa kwarto at natulog. Di na ko nag abalang magbihis at nahiga nlng sa kama. Katapat ng kwarto ni Greg.

Venice's Pov

Pauwi na ko ng bahay. Nasa pinto na ko para buksan ang pinto ng napansin kong bukas iyon. Siguro nandyan na si Greg. Binaba ko ang mga bilihin ko sa kusina at pumunta sa kwarto ko para magbihis. Bakit bukas ang pinto? Pag pasok ko ay wala namang tao kaya sinara ko iyon at pumunta ako ng banyo. Tinanggal ko ang damit ko at nagulat ako sa nakikita ko. May lalaking gwapo ang nakatingin sa katawan ko. Halata sa kanya na nagagandahan sya sa nakikita nya. Dali dali kong hinablot ang twalya at itinakip sa katawan ko. Nasa banyo pa rin sya at umiihi. Kaya di ko naiwasang nakita ang pagkalalaki nya. Napasigaw ako at tumakbo palayo sa kanya. Nadulas ako at tumama ang ulo ko sa upuan sa gilid. Nahilo ako at nakatulog.

Drake's Pov

Makalipas ang isang oras ay nagising ako.

Naiihi na ako . Dali dali akong pumasok sa banyo at umihi. Pero maya maya may babaeng pumasok dun at naghubad.

Ang ganda naman ng katawan nya. Ang kinis nya pa. Tumingin sya sakin at nagulat . Dali dali nyang tinakpan ang sarili niya at tumakbo kaso ayun napatid sya at natumba. Sinundan ko sya. Nakahiga lang sya dun walang malay.

Dahil mabait akong lalaki ay binuhat ko sya at inihiga sa kama. Tinakpan ko ng kumot ang hubad niyang katawan. Siya kaya yung sinasabi ni Greg. Ang ganda nya ha. Ano ba yan nag iinit ang katawan ko. Dali dali akomg lumabas at lumipat sa kabilang kwarto. Naligo nlng ako para mawala ang init na nararamdaman ko.

Venice' Pov

Nagising akong nakahiga na sa kama. Ansakit ng ulo ko. Kinapa ko yun at may bukol. Tinignan ko ang sarili bakit wala akong damit?

Ay oo nga pla. May lalaking nasa banyo ko kanina. Dali dali akong nagbihis. Buti nlng di nya ko nirape. Sino kaya iyon?

Bumaba ako ng sala at nakita ko syang inaayos ang mga pinamili ko sa ref. Dali dali kong kinuha ang vase sa sala at tinanong ko sya.

"Sino ka? Magnanakaw ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"O gising ka na pla binibini. Bakit hawak mo iyang vase?" Sabi nya ng palapit sa akin.

"Huwag kang lalapit. Ihahampas ko to sayo! Sino ka?" Tanong ko.

"I'm Drake Valmadrid. Bestfriend ako ni Greg Sayson. Dito muna ako titira pansamantala. Tanongin mo sya at tawagan mo pa. Pwede na bang ibaba mo na ung vase? Ikaw sino ka?"

Ibinaba ko na yung vase at nakampante. Kilala naman pala siya ni Greg.

"Ako si Venice Asuncion. Pasensya ka na. Akala ko magnanakaw ka."

"Okay lng yun. Alam mo ang ganda mo."

"Bolero."

"Hindi nga ang ganda mo. Inside and out."

"Paanong inside and out e hindi pa naman tayo close?"

"Wala lng. I just saw it kanina." Sabi niya. Napangisi siya ng makitang namula ako.

Ang sinasabi nya kanina ay yung nakita nya kong nakahubad. Inside nga naman yun ng damit ko. Ano kayang ginawa sakin nito kanina?

"Bastos!" Sabi ko sabay bato sa kanya ng remote ng tv.

"Aray ko. Joke lng miss. Mabait ako friendly."

Mukhang totoo naman sinasabi niya.

"Okay."

"Tara luto na tayo nagugutom na kasi ako." Sabi niya na nakangiti.

"Sige." Sabi ko at lumapit sa kanya. Inihanda ko na ang ingredients at nagtulong kaming magluto.

Greg's Pov

Pag uwi ko sa bahay ay may nagtatawanan sa kusina. Pumunta ako roon at nakita ko si Venice na tuwang tuwang kausap si Drake. Tumikhim ako para mapansin nila ako.

"Ehem." Pagtikhim ko. 

"Oy pare andyan ka na pla. Tara kain na tayo. Hindi mo naman sinabing maganda itong housemate natin."

"E hindi naman siya maganda ah."

"Bulag ka ba pare?"tanong niya na natatawa.

"Hindi. Tara na kain na tayo gutom na ko." Sabi ko at umupo sa hapag kainan.

"Sige greg maghahain na ko." Sabi ni Venice.

Naghain na sya at nagsimula na akong kumain. Habang silang dalawa ay abala sa pag uusap at pagtatawanan.

"Kumain ka na nga venice. Tawa ka ng tawa."

"Joker kasi itong kaibigan mo e. Dapat ganyan ka din para hindi boring pag kumakain tayo."

"So boring ako sayo?" Inis kong sambit.

"Hindi naman sa ganoon. Mas masarap lang kasi kumain pag masaya.

"Rwan ko sayo."Sabi ko at kumain na lang.

"Sungit mo sa kanya pare ah" puna ni Drake.

"Hindi ako masungit. Kumain na nga lang tayo."

Hindi na nagsalita ang kaibigan ko at kumain na kami. Naasar ako sa closeness nila. Parang ang tagal na nilang magkakilala.

Matapos ang hapunan ay nagtulong pa ang dalawang maghugas ng plato. E kahit sino naman kayang gawin iyon ng mag isa.

Dahil sa badtrip ko nagkulong nalang ako sa kwarto ko at natulog.
---

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon