Day 29

649 15 0
                                    

Greg's Pov

Galit sakin si Venice. Ni hindi nya ko pinapansin. Kasalukuyan kaming nasa Restaurant na pagdarausan ng reception namin. Kausap nmin ang may ari noon. Bukas na kasi ang kasal nmin kaya maaga kaming nagpunta doon.

"Venice okay lng ba itong restaurant?"

"Dito na kami mag rereception mr. Dizon." sabi nya sa may ari. Hindi man lng ako pinansin.

"Galit ka ba sakin Venice?"

Tumingin lng sya at umalis na. Hinabol ko siya at hinatak.

"Ano ba Venice?" Sabi ko.

"Ano bang paki mo kung galit ako? Bitawan mo ko."

"Kung tungkol sa hindi ko pagsundo sayo sorry. Gabi na kasi natapos yung meeting e"

"Meeting o date? Nakita kita kahapon may kasama kang babae."

"Bussiness partner ko yun. Ano ba? Huwag mong pagselosan."

"Alam  mo wag mo na lang ako kausapin."

"Ano ba venice? Simpleng paglabas lang yun nagkakaganyan ka na? Paano pag kasal na tayo?'

"Anong akala mo sakin tanga? Hindi mo ko sinundo para lang sa babaeng iyonn. Alam mo sana nga hindi nlng tayo magpakasal pero wala na kong magagawa at sana hindi na lang kita nakilala para hindi ako nasasaktan. Lahat na binigay ko na sayo pero ayan ka pa rin may iba ka pa rin. Hindi mo man lng inisip ang mararamdaman ko. Naghintay ako sayo kahapon pero wala . Umaasa lng ako."sabi niya na umiiyak.

"I'm sorry Venice." Paghingi ko ng sorry.

Umiling siya at pinahid ang luha niya.

"Don't be sorry lalo mo lng ako nasasaktan e. Lalo mo lang pinapakitang nagkasala ka talaga. At bago ka sana magsorry matuto ka rin magpatawad para mapatawad ka rin ng pinagsabihan mo ng sorry." Sabi nya sabay alis.

Naiyak ako. Nasaktan ko yata talaga siya. Naguguilty ako dahil tama sya. Tama siya na masakit nga naman ang ginawa ko sa kanya kahapon.

Venice's Pov

Pagkaalis ko sa restaurant ay pumunta ako sa ice cream parlor. Doon ako nagpalipas ng sama ng loob. Tinawagan ko din si Drake at sa kanya ako umiyak.

Pumunta naman agad sya at kinomfort nya ko. Buti pa sya laging nandyan para sakin.

Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay hinatid nya na ko pauwi.

Greg' Pov

Sinundan ko si Venice para bumawi at magsorry pero ayun nakita ko siyang kasama si Drake. At nakayakap pa sya doon.

Nagtangis ang bagang ko at umalis na lang. Ang lakas ng loob nyang magalit e siya din tong lumalandi.

Pumunta nlng ako sa bar at uminom nakita ko c Samantha doon. Umiinom din. Naglasing kaming dalawa.

Maya maya umuwi na kami. Hinatid ko lng sya sa bahay nya at umuwi na din.

--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon