Day 34

644 13 0
                                    

Venice's Pov

Nasa sala ako kumakain ng mangga. Pumasok sa trabaho ang asawa ko kaya mag isa lng ako.

Maya maya may kumatok. Si mama Bernadeth kasama si Veil.

"Pasok mama." Pag anyaya ko sa kanila.

"Kamusta ang bagong kasal? Masaya ba?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti.

"Oo mama. Kumain na kayo? Ipagluluto ko kayo."

"Huwag na may dala kaming pagkain para sa atin. Ayokong mapagod ka masama sa baby ang napapagod."

"Ay salamat mama. Tara ipaghahanda ko na kayo." Sabi ko.

"Sige tara na." Sambit ko.

"Kamusta pakikisama sayo ni Greg? Okay na ba kayo?" Tanong niya.

"Oo mama ang sweet sweet nya sakin." Sabi ko.

"Mabuti namang kung ganoon."

Pumunta kami sa kusina at naghain na. Tapos kumain kami ng magana. Dumating din si Greg may dala dalang Ice cream.

"Ang aga mo mahal a." Sabi ko sabay halik sa labi niya.

Inilapag niya ang gamit niya sa sofa.

"Oo tinapos ko agad yung trabaho ko para makasama kita."

"naks ang sweet naman ng asawa ko." Sabi ko at bumungisngis.

"Syempre mahal kita." Sabi niya.

"Masaya ako at bati na kayo sana magtuloy tuloy na iyan." Sabi ni Mama Bernadeth.

"Syempre naman ma. Mahal ko si Venice at wala akong gagawin na masasaktan siya."

"Talaga lang ha? Kinikilig naman ako. Hahaha."

"talagang talaga. Pakiss nga." Sabi nya sabay halik sakin.

"tama na kahahalik sakin baka kung san pa tayo mapunta. Nakakahiya kila mama. Tara kumain na tayo." Sabi ko.

"hahaha sige na nga kain na tayo. Yari ka sa akin mamaya."

"kasweet lng o." Puna ni mama Bernadeth.

"Hahaha puro ka talaga kalokohan mahal."

Kumain na kaming lahat. Ang saya ko kasi kompleto kami. At araw araw pinaparamdam ni Greg na mahal nya ko.
--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon