*Abegail Pregnancy*

616 7 2
                                    

Venice's Pov

Nasa manila na kami ngayon. 5 araw din kaming nasa tagaytay kaya kailangan ng bumalik ni Greg sa opisina nya. Marami na kasing tambak na trabaho. Pumasok na siya sa opisina samantalang ako nasa bahay lng para mag pahinga at alagaan ang sarili ko. Balik na sa dati ang lahat. Sa bahay na ko sa opisina na sya. Inubos ko ang lahat ng oras ko sa panunuod ng TV. Maya maya may kumatok. Si Abegail. Ano na naman kayang ginagawa ng bruhang to sa bahay namin?

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwedeng pumasok?"

"Sige tuloy ka. Anong gusto mong inumin?"

"Kahit huwag na. Pumunta lng naman ako dito para sabhin kay Greg na Buntis ako. At sya ang ama." Sabi niya ng makaupo siya sa sofa.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Buntis ako at sya ang ama. Parang awa mo na ayokong lumaki ang anak ko ng walang ama. Alam mo naman sigurong masakit ng walang ama ang anak mo. Parang awa mo na iwan mo na si Greg."

"Buntis din ako abegail. Ayoko din mawala ng ama ang batang pinagbubuntis ko."

"Kung ayaw mo siyang iwan. Papatayin ko nlng tong batang nasa sinapupunan ko para wala ng problema."

"Huwag! Maawa ka sa bata."

"Pasensya na Venice pero hindi ko kayang mag isang palakihin ang batang to."

"Gagawa tayo ng paraan . Kakausapin ko si Greg na panagutan ang anak mo."

"Talaga ? Iiwan mo na si Greg?"

"Kung yun na lang ang paraan. Gagawin ko para mabuhay ang anak mo."

Lumapit sya sakin at yumakap.

"salamat Venice."

Napaluha na lng ako. Bakit ganito? Kung kailan okay na kami ni Greg Saka namang nagkaproblema. Paano na ngayon? Paano na ko mabubuhay kung iiwan ko ang dahilan ng saya ko.

Abegail's Pov

Sobrang saya ko ng sinabi no Venice na iiwan nya si Greg para sa baby ko. Oo buntis ako pero hindi si Greg ang ama kundi yung nakasex ko sa bar nung isang gabi. Ngayon may dahilan na ko para makuha si Greg. Kung sinuswerte ka nga naman. Umalis na ko dun at pumunta sa condo ko. Kailangan kong mag ingat para sa baby ko. Na magiging baby ni Greg. Hahaha

Greg's Pov

Umuwi ako sa bahay. Nakita ko si Venice na umiiyak.

"Bakit mahal?Venice: Buntis si Abegail Greg at kailangan mong panagutan ang bata kundi palatayin nya ang anak nyo."

"ha? Buntis ?"

"Oo buntis sya Greg. Aalis na ko. Ayokong mamatay ang anak nya ng dahil sakin. Doon muna ako sa Tagaytay hanggang manganak siya."

"No . Hindi ka aalis. Susustentuhan ko ang bata. Ikaw ang mahal ko hindi siya."

"Sana naisip mo iyon bago mo siya buntisin. Papatayin nya ang anak nyo pag hindi ako lumayo sayo. Mahal na mahal kita pero hindi makakaya ng konsensya ko. Sana maintindihan mo. Pag nanganak na siya babalik din ako. Sana ako pa rin ang mahal mo."Sabi niya sabay halik sakin. Nakapag empake na sya at umalis ng bahay.

Bakit ganto? Bakit ngayon pang okay na kami? Paano ko nabuntis si Abegail?Ang daming katanungan sa isip ko. Pumunta ako kay Abegail para kausapin sya.

"Anong sinabi mo kay Venice?" Tanong ko.

"Buntis ako." Sabi niya.

"Damn it! Sana ako muna kinausap mo. Susustentuhan ko yang batang yan pero wag mo ng idamay si Venice dito."

"Papatayin ko ang batang ito pag hindi mo ko pinanagutan. Ayoko ng sustento mo gusto ko ikaw."

"T*ng ina Abegail. Lagi mo na la ng ba sisirain ang buhay ko? Wala kang awa pati bata idadamay mo."

"Kung yun lng ang paraan para mapunta ka sa akin."

"Hindi ikaw ang mahal ko at kahit anong gawin mo ay hindi kita mamahalin."

"Wala akong pakielam basta panagutan mo ko kung ayaw mong patayin ko ang batang ito. At si Venice na mismo ang nagsabing iiwan ka niya kaya wala ka ng maggawa kundi panagutan ako."

Pumasok na siya sa loob. Wala na kong nagawa ayoko ring mamatay ang anak ko kung anak ko nga ba talaga. Umalis na lang ako at umuwi sa bahay. Kahit na lumayo sa akin si Venice siya pa rin ang pipiliin ko. Pero sa ngayon Susundin ko ang desisyon nya para sa batang nasa sinapupunan ni Abegail.

--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon