Day 37

601 10 0
                                    

Venice's Pov

Nagising ako sa hospital. Nandoon sila mama Bernadeth at Veil. Kasama din nila si Drake. Pero ang hinahanap ko ay si Greg.

"Nasan si Greg mama?"tanong ko.

"Wala na siya venice. Sabi ng empleyado nya ay umalis sya kasama ni Abegail. Walang sinabi kong saan pupunta o anong dahilan." Sabi niya. Napaiyak ako.

"Hindi. Hindi niya ko iiwan. Mahal niya ko. Mahal niya ang anak ko. Mama sabihin mong nagsisinungaling ka lng." Sabi ko sa kanya. Ngunit umiling siya at umiyak.

"Sorry iha pero umalis na talaga sya."

"Bakit? Bakit nya ko iniwan?"

"Hindi rin namin alam ang dahilan iha. Hindi sya nag paalam sa amin."

"Paano nya nagawa sakin ito?"

"Ven makakasama sa baby mo ang pag iyak mo. Maiistress ka lalo."

"Hindi ko kayang mawala sya Drake."

"Hayaan mo Venice ako ang bahala hahanapin ko sya."

"Salamat Drake."

"Magpahinga ka na iha."

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko ang sarili kong dapuan ng antok.

Nagpahinga na ko pero ang isip ko ay na kay Greg pa rin. Nasan na kaya sya?

Greg's Pov

Giniginaw ako kaya nagsuot ako ng sweater na makapal. Nasa America na ako at may snow dun ngayon. Kasama ko su abegail sa isang condo. Kahit ayoko sa kanya kailangan kong gawin to para kay Venice.

"let's eat babe." Yaya niya sa akin.

"Huwag mo kong ibabe. Di nmn tayo."

"Shut up . Kung gusto mong mabuhay ang asawa mo susunod ka pa rin sakin. At lahat gagawin mo para mapasaya ako."

"Kahit ano pang sabhin mo hindi mo makukuha ang pagmamahal ko. At ano man ang gawin mo si Venice pa rin ang nagmamay ari sa puso ko."

"Sa ayaw at sa gusto mo mamahalin mo din ako kung gusto mo Pang mabuhay ang asawa mo." Sabi niya sabay alis sa harap ko. Wala nmn akong magawa. Gusto ko mang umuwi sa Pilipinas ay hindi pwede. Pinababantayan kasi niya si venice doon sa mamamatay taong iyon at sa isang tawag niya lng ay ipapatay nya ang asawa ko.

Miss ko na ang asawa ko. How I wish makauwi na ko para mayakap ko na ang mahal ko.

--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon