Day 28

649 15 0
                                    

Venice's Pov

Kasalukuyan akong nasa munisipyo para ayusin ang requirements sa kasal namin.

Hinihintay ko si Greg para samahan ako. Nagtext na ko sa kanya pero wala pa rin syang reply. Maya maya dumating na sya.

Nakasimangot sya.

"Ang tagal mo naman?" Sabi ko.

"May inasikaso ako e. Tara na may meeting pa ko mamaya."

"Sige tara na."

Inasikaso na nmin ang mga papeles. Medyo maraming tao kaya natagalan kami. Maya maya may tumawag sa kanya.

Nagpaalam sya sakin para kausapin iyon.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik sya nagpapaalam siya na aalis na siya dahil may meeting pa sya.

"Aalis na ko. Ikaw na bahala dyan."

"Pero Greg kailangan kita dito."

"I'm sorry mas importante ang meeting na ito kaysa dito."

"Talaga ? Pipiliin mo ang trabaho kaysa sa pag aayos ng kasal natin? Ano pa bang inaasahan ko e ayaw mo nga plang makasal sakin."

"Alam mo naman pala e. Makaalis na nga."

Umalis na sya at naiwan na ko na nag aayos ng papeles nmin sa kasal.

Greg's Pov

Umalis na ko. Naiinis lng ako . Kailangan kong dumalo sa meeting pero tama nga siya mas importante ang kasal nmin kaso sa bawat oras na kasama ko sya naiirita ako.

Pumunta na ko sa office pagdating ko andun na ang mga kameeting ko kasama si Samantha Madrid . Isang mayaman na isa rin sa share holder ng kompanya. Mabait sya at matalino.

Lumapit sya sa akin at nakipag kamay. She's beautiful. Pagkatapos ng meeting ay lumabas kami at kumain sa labas. I enjoy her company. Nakalimutan ko tuloy sunduin si Venice.

Venice's Pov

Gabi na ng natapos ko ang pag aasikaso ko sa papeles. Hinintay ko si Greg pero hindi niya ko sinundo. Busy siguro sa meeting nya.

Kaya nagcommute na lang ako. Nasa bus na ko papunta sa bahay ng makita ko si Greg sa labas ng isang restaurant. May kasamang babaeng maganda. Nagtatawanan sila at mukhang masaya.

Grabe sya hindi nya man lang niya ako sinundo at nakipagdate na lang sa ibang babae.

Napaluha ako sa nakita ko. Bakit kailangan kong magtiis sa sakit na dinudulot nya sa akin. Hindi ko naman deserve na saktan ng ganto.

Pinahid ko ang luha ko at tinawagan sya.

"Nasan ka?" Tanong ko.

"Nasa meeting pa ako."

"Ah. Talaga lang ha. Sige pakasaya ka sa date mo."

Sabi ko sabay patay ng cp ko.

Maya maya nasa bahay na ko.

Hindi na ko kumain at natulog lang ako.
--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon