Day 31

663 7 0
                                    

Venice's Pov

Nagising akong wala sa tabi ko si Greg. Pumasok pa rin sya sa opisina kahit nasa honeymoon week pa kmi.

Naligo nlng ako at nagbihis. Unang araw ko bilang asawa nya pero hindi ko naman sya kasama. Pagbaba ko sa kusina ay nagluto ako ng almusal. Maya maya ay napatakbo ako sa lababo. Nagsuka ako ng nagsuka. Ganyan talaga pag buntis may morning sickness. Pagkatapos ko magsuka ay medyo nahilo ako. Kaya nagpahinga muna ako saka kumain.

Maya maya may tumawag si Drake. Niyaya na kong lumabas dahil wala nmn akong kasama ay pumayag akong makipagkita sa kanya.

Greg's Pov

Pumasok na ko sa opisina kahit Honeymoon week namin. Kailangan ko kasi magtrabaho para sa asawa ko at magiging anak ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpirma ng mga papeles ng may nagtext sakin. Si Abegail.

{Ang asawa mo ay nakikipaglandian sa Bestfriend mo}

Yan ang sabi sa txt. Pagkatapos ay nagpadala sya ng picture.

Asawa ko yun kasama nga c Drake kumakain sila sa labas at mukhang masaya. Nag init ang ulo ko.

First day plang nming mag asawa nakikipaglandian na siya sa iba. Binato ko ang cp ko at dali daling umuwi ng bahay. Humanda talaga sakin c Venice.

Venice's Pov

Pag uwi ko sa bahay ay nandoon si Greg. Ang aga naman ata nyang umuwi. Lumapit ako para halikan sya pero umiwas sya sa halik. Amoy alak din sya.

"Bakit ka naglalasing?" Tanong ko.

"Tanongin mo sarili mo? Gawain ba ng matinong asawa ang pakikipagdate sa labas?"

"Anong sinasabi mong date? Si Drake lng kasama ko."

"Oo nga si Drake nga ang kasama mo. Alam mo nmn na may gusto sayo iyon e."

"Magkaibigan lng kami."

"B*llshit naman Venice. Tigilan mo ko ha. Mag asawa pa tayo lumalandi ka pa?! Ano kulang ba ako sayo at niloloko mo pa ko ha?" Sabi niya.

"Ano ba Greg. Lasing ka lng. Magpahinga ka na." Sabi ko na akmang aalis ngunit nagalit sya at hinablot ako.

"Greg nasasaktan ako. Bitawan mo ko."

"Kung alam ko na lalandi ka lang sa iba sana hindi mo na ako pinakasalan." Sabi niya sabay alis ng bahay. Napaiyak ako sa sinabi nya. Naramdaman ko rin ang sakit ng paghablot nya sa braso ko.

Eto na nga ba ang kinakatakot ko. Baka araw araw niya akong saktan.

Bumaba ako para kumuha ng ointment pangtanggal ng sakit ng braso ko.

Nagluto na rin ako ng hapunan nmin. Hinintay ko sya pero hindi sya dumating. Kumain na ko at natulog.

Greg's Pov

Nasa bar ako . Umiinom. Ayoko pang umuwi baka lalo ko lng masaktan si Venice.

Bakit siya ganoon? Bakit lapit sya ng lapit kay Drake? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa nya? Hindi niya ba alam na mahal na mahal ko sya kaya ako nagkakaganito?

Hindi nya ba alam na handa akong patawarin siya para magkabalikan kaming dalawa. Pero lagi na lang siyang gumagawa ng ikakasakit ng damdamin ko.

Nilagok ko nlng ang alak sa harap ko habang umiiyak . Bakit ba kasi ganto ang nangyayari sa buhay ko. Puro pasakit.

Nakailang lagok pa ko ng alak saka nawalan ng ulirat. Nakatulog ako.
--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon