Day 36

637 11 0
                                    

Venice's Pov

Nasa garden ako ngayong umaga para ayunsin ang garden ng bahay namin ng may lumapit sakin isang lalaki. Nakatakip ang mata nya at may hawak na baril.

"Anong kailangan mo sakin? Maawa kang huwag mo kong patayin."

"Hindi kita papatayin basta huwag kang maingay. Pumasok ka sa loob ng bahay."

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya. Pumasok kami sa bahay.

May nilabas siyang kamera sa harap ko. Tinali niya din ako.

"Kung kailangan mo ng pera. Kunin mo ang gusto mo." sabi ko na umiiyak.

Hindi siya kumibo.

"Parang awa mo na. Maawa ka sakin."
Sabi ko ng itutok nya ang baril sakin

"Tumahimik ka. Kung hindi papatayin talaga kita." Pananakot niya.

"Palayain mo na ko." Sabi ko na nagmamakaawa sa kanya. Sinampal niya ko.

Namula ang pisngi ko at napahiga sa sofa.

Tumingin sya sa kamera at nagsalita.

"Ma'am ok na po. Sabihin nyo lng kung papatayin ko na sya."

Sino kaya iyong kinakausap nya? Nanahimik na lng ako para hindi ako masaktan.

Greg's Pov

Nasa opisina ako ng may kumatok. Si Abegail. Ano nmn kayang kailangan nito sakin.

"Hello handsome. Miss me?"

"Ano na namang kailangan mo. Busy ako."

"Simple lng. Sumama ka sa akin sa America. Iwan mo si Venice." Sabi niya. Napailing ako at natawa.

"Baliw ka ba? Hindi ko iiwan ang asawa ko para sayo no." Sabi ko.

"Oo baliw na baliw na ko sayo. Pero wala kang magagawa kung ayaw masaktan ang pinakamamahal mo."

"Ano bang pinagsasabi mo? Tigilan mo nga ako."

"Ipapatay ko si Venice pag di ka sumama skin."

"Ano ba Abegail.. Hindi kita hahayaang saktan ang mahal ko."

"Sorry to say that. Pero wala ka ng magagawa." Sabi niya na tumatawa at inilabas ang cellphone niya.

Pinakita nya ang video ni Venice na nakatali ngayon. May pasa sa mukha at umiiyak. May lalaki ring may hawak na baril na nakatapat sa kanya.

"Damn it Abegail! Tigilan mo ang asawa ko. Parang awa mo na."

"Simple lng nmn ang gusto ko. Sumama ka sakin at iwan mo ang asawa mo at makakalaya sya." Sabi niya.

"Hindi ako sasama sayo. Kailangan niya ako." Sabi ko.

"Ayaw mo? Sige mag paalam ka na sa asawa mo." Sabi niya sabay utos sa lalaki na patayin si Venice.

Akma nmng babarilin ng lalaki ang asawa ko.

"Huwag Abegail. Maawa ka sa asawa ko."

"Ano papayag ka na ba?"

Wala akong choice at tumango. Hindi ko pwedeng hayaang patayin niya ang asawa ko.

"Oo papayag na ko. Please palayain mo lang ang asawa ko. "

"Okay sabi mo e. Tara na sa airport."

"Pag paalamin mo naman ako sa asawa ko." Pagsusumamo ko. Ngunit umiling siya.

"Huwag na baka maisipan mo pang tumakas. Mag iwan ka na lang ng sulat para sa kanya."

Wala na kong nagawa at sumunod na lang sa kanya. Ayokong mawala ang mag ina ko. Kaya kahit ano ay gagawin ko para sa kanila.

Venice's Pov

Natakot man ako nang ipuputok na nung lalaki ang baril pero hindi naman nito tinuloy at umalis na. Nagsalita pa sya bago umalis.

"Pasalamat ka at pinatigil ako ng boss ko kung hindi bangkay ka na ngayon." Sabi niya.

Pagkaalis nya ay tinanggal ko ang pagkatali niya sa akin.

Dali dali akong  tumawag kay Greg. Pero out of coverage. Kaya naisipan kong pumunta sa opisina niya pero pag dating ko wala na sya. May binigay lng na sulat ang assistant niya sa akin. Eto ang nakalagay.

{Mahal kong Venice. Sana mapatawad mo ko sa desisyon ko. Mahal na mahal kita at ginawa ko lng ito para sayo. Sumama na ako kay Abegail papuntang america pero kahit sumama ako sa kanya Ikaw pa rin ang mahal ko. Sana pagbalik ko ay handa kang tanggapin ako. Hintayin mo sana ako. }

Napaluha na lang ako sa nabasa ko. Iniwan na ako ni Greg. Iniwan nya ako at ang anak nya. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi na ba nya ko mahal?

Umiyak ako ng umiyak hanggang mawalan ako ng malay.
--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon