Day 39

574 10 0
                                    

Drake's Pov

Nasa labas ako ngayon para hanapin ang bestfriend ko. Naglilibot na ako at napunta sa isang restaurant. Umorder muna ako ng makakain. Maya maya may nahagip ng paningin ko. Si Greg at Abegail. Naka-angkla pa si Abegail sa braso ni Greg. Umupo sila malapit sa kinauupuan ko. Nagtago ako at kinuhanan sila ng picture. Pagkatapos kumain ay sinundan ko din sila. Umuwi sila sa isa condo unit malapit sa tinitirhan ko. Tumambay muna ako doon at nagmasid. Kumuha rin ako ng picture nila kung saan saang angulo.

Greg's Pov

Kung ano anong pinag gagawa ni Abegail. Kung san saan ako dinadala at kung ano anong pinag gagawa nya. Nang mahagip ng paningin ko si Drake. Nag paalam ako kay Abegail at lumapit kay Drake.

"Drake, pare."

"Huwag mo akong mapare pare. Bakit mo ba iniwan si Venice?"tanong niya. Kitang kita ang galit sa mukha niya.

"Kailangan e. Para mabuhay sya."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong niya na puno ng pagtataka.

Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat at nakinig sya. Naawa rin siya sa kalagayan ko.

"Ganoon ba pare?"

"Oo kaya sana bantayan mo si Venice at hanapin mo ang nagtatangka sa kanya para makauwi na ako." Sabi ko sa kanya.

"Oo sige gagawin ko iyan."

"At ska dapat sabihin mo sa kanya na masaya ako dito para hindi maghinala si Abegail na may plano tayo."

"Masasaktan sya Greg."

"Hayaan mo na. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya. Para sa ikakaligtas ng buhay niya. Sige mauna ka na baka makatunog si Abegail at may gawin pa syang masama sa asawa ko."

"Sige, ingat ka pare." Sabi niya at umalis na sya . Buti na lang at nakausap ko si Drake. Ngayon may magbabanty na sa asawa ko. Hindi na ko maa aalala ng lubos kay Venice. Bumalik na ko sa kwarto namin ni Abegail.  Lumapit si abegail sakin

"Saan ka galing?"

"Diyan lang sa labas." Sabi ko.

"Ang tagal mo naman." Sabi niya na may pagtataka sa mata niya.

"Nagpahangin kasi ako. Kaya natagalan ako."

"Ah ganoon ba? Tara magpahinga na muna tayo." Anyaya niya.

"Sige. Lumapit na ko sa kanya. At nagpahinga. Sana mahuli na iyong mamatay tao para makauwi na ako.

--

100 Days to Make Him Fall In love♥ (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon