Chapter 7: His Unpredictable Way

4.6K 119 132
                                    


a/n:UNEDITED ENJOY READING

ISAIAH 43:19 "Behold, I am Doing a NEW THING"

Chapter 7: His Unpredictable Way

"Nak! Grabe namang buntong-hininga yan ang lalim naman" biglang sabi ni Nanay.Napabalikwas tuloy ako ng pagkakaupo at tumingin sa kaniya. Basa pa ang mga kamay nito dahil kakatapos niya lang magsampay ng mga nilabhan namin. Nagpunas ito ng kamay sa kaniyang damit sabay lapit sa akin.

"may problem aba nak? Nandito ang nanay" sabi nito sabay lapit sa akin at haplos sa aking buhok

"..wala naman nay.?" Sabay kagat ko ng ibabang labi pilit pinipigilan ang sarili kong magkwento

"alam ni Nanay kung kelan ka may problema anak at wala?" aniya sabay umupo sa tabi ko, Malaya naming tinatanaw ang napakalaking palayan.

" hindi naman ganun kalala nay..."

"hindi ganun kalala? Eh bakit ang lalim ng butinghininga aba'y kahapon ko pa yan napapansin nak, wag kang magagalit ha, nababahala lang kami ng tatay mo kung tungkol yan sa collateral nay an anak—"

"hindi po nay, basta po ako na ang bahala doon" agap ko sa sasabihin ni nanay"

"o siya sige, basta tandaan mo lang nak nandito lang kami ng tatay ha?!" sabay yakap sa akin ni nanay

"opo nay, salamat nay mahal na mahal kop o kayo ni tatay"

"M-mahal na mahal ka rin namin nak, ikaw ang pinakamagandang regalo na hiningi namin sa Diyos na di sukat akalain na ibibigay niya" madamdaming ani ni Nanay sa akin, humigpit ang yakap niya sa akin waring sa mga yakap na iyon nawala ng kaunti ang problema iniinda ko.

Sumapit ang araw ng Lunes may pasok na naman, nagising akong parang walang gana,mabilis akong naligo kumain at umalis naglalakad ako palabas sa aming maliit na sitio, pabiling biling pa pakaliwa't kanan ang ulo ko, umaasam na makikita ko siya doon, nanlulumong nanlupaypay ang mga balikat ko ng walang anumang bakas niya doon nasa bungad na ako umaasam na nakaparada siya doon at hinihintay ako subalit katulad din ng nauna wala rin ni anino niya doon. Hindi ko maitago sa sarili ko ang kalungkutan impokrita ako kung sasabihin kong alam ko na at tanggap iyon dahil alam ko mismo sa sarili kong nasasaktan ako,pilit kong pinaalis ang nararamdamang iyon, at maluwag na tinaggap sa dibdib ang pasiya niya, nabuhay naman akong wala siya kaya kaya ko rin kahit na ngayong wala rin siya subalit sadyang makulit ang isip ko. sinasabi nitong sa kaunting panahon na rin na iyon may parte na siya sa pagkatao ko, binuksan niya ang isang bahagi ng puso ko na sa kaniya ko lang nadarama.

"gee sa library tayo ngayon, wala si Prof. Talves pero may research tayo dun daw sa lib gagawin, pero punt aka muna sa room magpa check attendance ka kay Creams" bati sa akin ng kaklase kong si Reahana

"ganon ba salamat"

"sige una na ako"

Mabilis akong pumasok sa room naming at hinanap doon si Creams ng Makita niya ako mabilis niyang inilahad sa akin ang isang attendance sheet

"Gee dalhin mo na lang sa lib yan ah, mauna na ako sunod ka na lang okay?" pagpapaalam niya

"okay sige, salamat"

Kinuha ko naman iyon naupo muna ako sa upuan ko binababa ko nag bag at naghanap ng ballpen ko. dahil sa abala ako sa paghahanap ng ballpen ko hindi ko namalayang may kasama na pala ako, kung hindi pa ito nagsalita hindi ko pa maalalamang kasama ko pala siya.

"here, you can use my pen Gee"

Nagulat pa ako sa boses na iyon, naiilang ako sa titig niya hindi ko tuloy alam kung kukunin ko ang ballpen o hindi. Ng walang aksyon akong nagawa siya namismo ang nagkusang ilapag iyon sa desk ko. pinilit kong wag manginig mabilis ko iyong kinuha at sinulat ang pangalan ko sa attendance sheet .

The HOT BARRISTER (LION HEART SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon