Chapter 15: Did I make the Right Choice?

4.1K 104 103
                                    

a/n:unedited happy reading!

"How good and pleasant it is when God's people live together in unity!"Psalm 133:1

Chapter 15: Did I make the Right Choice?

5 years later....

Mabilis na lumipas ang panahon parang kahapon lang ang lahat. Tapos na akong mag aral. Nandito pa rin kami sa sitio nakatira unti-unti na babayaran na namin ang lupang ito. Binenta na kasi ni senyora ang naturang lupa sa amin wala pa ang fully furnished titulo dahil hindi pa naman naming tapos bayaran pero kapag nafully paid na namin baka may titulo na kaming makuha na rin at konti na lang mababayaran na rin namin. Kung sana nandito lang si tatay nakikita niya itong lahat.. tatlong taon na kasi ang nakakaraan ng sumakabilang buhay si tatay dahil na rin sa sakit niyang itinago sa amin. mahirap ang unang taon sa amin ni nanay pero kinakaya rin namin at kakayanin pa.

Nakaupo ako ngayon at nag papahinga araw kasi ng sabado at day off ko nag tatrabaho na ako bilang accountant sa municipyo dito sa lugar namin. Si bebang naman nag aaral pa rin hanggang ngayon kumukuha kasi ito ng kursong engineering at limang taon ang pag aaral no'n nasa huling taon na rin naman siya sa nasabing kurso.

Habang isinasayaw ko ang duyan sa hangin na naksabit sa ilalim ng punong manga. Kita kong humahangos at mabilis ang yabag ni chinchin na papunta sa akin.

"Gee!!!"

"bakit???"

"tingnan mo to dali.!!!!" aniya at bigay sa akin ng dyaryo. Kitang kita ko ang napakalaking letrang pula doon.

'Atty. Neville De Mercedez closed another case!!'

Dumagdag man ang taon, hindi pa rin maipagkakailang gwapo pa rin ito saan mang anggulo ang tingnan. Gwapo pa rin at mahal ko pa rin. Oo naman inaamin ko na rin saw akas mahal ko siya pero alam ko namang hindi na pwedeng maging kami matagal tagal na rin na panahon ang lumipas malay ko ba kung may gusto na rin siyang iba sa palagay ko meron na rin siguro he has everything at alam kong maraming maraming na babae ang babagay sa kaniya. Natutuwa ako sa nangyayari sa buhay niya ngayon mas naging successful pa rin siya sa larangan ng pagiging abogado marami siyang kasong napanalo! Ma namayagpag pa rin ang pangalan niya kaya naman kahit masakit sa part ko nasaktan siya kita ko naman na it's a right choice and it is worth it. Masaya ako para sa kaniya and I was always hoping for the best for him.

" lalim na naman ng iniisip pero wait teka lang muna Gee,tingnan mo tong blind item basahin mo"sabay turo naman ni Chinchin sa isang Hotscoop na nakalathala rin sa dyaryong dala.

A famous Atty. Spotted a date with this model and capture them liplocking and one insider tells us that this famous Atty already propose a marriage to this hottest model.

Ito na ang kinatatakutan ko, ang makamove on siya at makahanap ng babaeng magmamahal sa kaniya na higit sa kaya kong ibigay.

"sorry gee ah alam ko namang nag mo-move on ka, pero kasi alam mo namang simula ng malaman ko na yung sa inyo ako na ang number one fan ng loveteam niyo eh"

Ni hindi ko kayang basahin ang susunod pang mga pahayag I feel a big lump on my throat parang napakahirap lunukin ang sakit sa dibdib

"a-ano ka ba b-bata pa ako nun, tska hindi kami para sa isa't isa kaya I let him go..."

"pero kahit na"

"umuwi ka na nga chinchin iniistorbo mo ang pagpapahinga ko" biro ko dito at umarteng hindi apektado kahit naman ang totoo kabaliktaran noon ang nararamdaman ko.

"snabera walang utang na loob pashneya ka Gerogia ge na nga aalis na ako makagawa na lang lang ng lesson plan pero masabagay pa rin kayo ni atty.. yieeee" bubulong nito na nakangiti ay isa na kasing Guro sa public school si Chinchin.

The HOT BARRISTER (LION HEART SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon