a/n: unedited happy reading!
Isaiah 1:20 Ngunit kung susuway kayo at maghihigmasik, tiyak na kayo'y mamamatay. Ito ang mensahe ni yaweh.
Chapter 17: New Owner
"Babe, Kahit saan anggulo ko talaga tingnan talo ka talaga sa kaso na to eh dahil una sa lahat wala kang kopya ng Deed of Sale niyo at yung pinaka importante mother title ng lupa" pagpapaliwanag sa akin ni George Bryle at tamang ang iniisip niyo he was now a license lawyer.
"eh anong gagawin ko Geo?ibig sabihin wala talaga akong laban kahit konti pano yung pera na binabayad ko saan napupunta?" himutok ko dito
"babe kung gusto mo talaga malaman ang mga yan alam mo ang sagot makipag-usap ka sa kanila yun ang pinakamaayos na gawin" aniya.
"iniiwasan ko nga eh pilit pa ring pinapalapit sa akin" ani ko
"mahirap kalabanin si Destiny Babe, pero mapapayo ko lang kausapin mo muna sila kung anong pinag usapan niyo tska na lang tayo gagawa ng susunod na hakbang"
Tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya sabagay may punto siya at tama rin ang sinasabi niya.
"hmmm.... Okay salamat at dahil nanghingi ako ng advise sa iyo magakano naman po ang service fee niyo Attorney Perez?"
"isang date lang babe okay na ako doon" aniya at tatawa tawa sa akin
"tigilan mo na nga ang kakatawag sa akin ng babe mamaya marinig ka pa ni Edeline eh magselos pa iyon" tukoy ko sa nobya nito.
"alam niyang babe ang tawag ko sayo no at okay lang naman sa kaniya"
"hay ewan ko sayo atty. Perez may saltik ka rin eh noh"
"siguro ganoon talaga pag abogado Babe now I understand Atty Neville-"
Pinandilatan ko naman siya ng mata"Hep! Wag mo na ngang banggitin ang pangalan na yan?"
"bakit babe affected ka pa rin hahaha"
"hindi na no magpapakasal na iyong tao tska alam kong magiging okay din ako" sabi ko na naman ang kasinungalingan dito.
Nagulat naman ako ng ginagap niya ang kamay ko mula sa mesa.
"babe nandito lang ako ha sa susunod na laklakan niyo ni bebang sama mo naman ako!"sabay halakahak nito. Okay na sana eh akala ko seryoso na eh walanjo talaga ang atty perez na to naging abogado lang naging gago na rin ang ugali. Inirapan ko lang siya.
"hay naku! ewan ko sayo Gregorio aalis na ako at tapos na ang break!" sabay tayo ko mula sa pagkakaupo
"hatid na kita babe" natatawang sabi pa nito at siya na mismo ang nagdala ng bag at mga gamit ko minsan sarap niya ring kutusan eh masyadong pilyo.
"dapat lang no!" bulyaw ko dito ng pabiro.
Ilang sandali pa ang nakalipas ng maihatid ako ni George sa municipyo. Mabilis akong umimbis ng sasakyan binalinga ko pa si Geiorge para magpasalamat.
"salamat! Shoo alis na!" taboy ko dito
"take care babe mwaahhh yung dinner date natin ah!" pangaasar pa nito bago pinasibad ang sasakyan. Nakatanaw pa ako habang pinagmamasdan ang sasakyan ni George na paalis hay... may saltik talaga sa ulo ang isang iyon.
"Government employee are not allowed to go outside when it is office hours" isang baritonong boses ang nagsalita buhat sa likod ko.
My heart sunddenly beats so fast.
I slowly turned my self about face para makita ito kahit pa sabihing sobra ang kabog ng dibdib ko nagkatitigan kami sa mata. Damn! umayos ka Georgia! Umayos ka! Kumurap ako ng dalawang beses para magising ang sarili na to totoo to na kaharap ko siya pasimple ko pang kinurot ang sarili para magising ako sa katotohanan. tumikhim ako sabay ayos ng tayo with my best posture I look and talked back at him.
BINABASA MO ANG
The HOT BARRISTER (LION HEART SERIES #2)
RomanceLion heart series no.2 Neville Stephen Hamilton de Mercedez a ruthless but hot barrister,he was one of Donya Mercedez grandson the most prominent De Mercedez clan in the Philippines. And he was the one who assign to protect their land from unwanted...