HIS REASON

158 17 5
                                    

DEMI’s POV

At dahil sinundo ako ni Gelo syempre sa kotse niya ako sumakay. Nakakahiya naman kung kila Naej ako sumabay diba? Tahimik lang kami sa loob ng kotse. At nakakapanibago to!

Nakatingin ako sa labas, maluwag naman tong kotse pero feeling ko ang sikip para sa aming dalawa, hindi kasi ako makahinga ng maayos.

“Okay ka lang?” tanong ni Gelo. Salamat naman at nagsalita siya feeling ko kasi matutuyuan na ako ng laway hindi pa naman ako sanay, diba nga daldal queen ako?

“Oo naman” sagot ko.

“Mabuti naman akala ko kasi hindi” psh. Bakit naman ako hindi magiging okay? “kamusta ka na?”dagdag niya pa.Ano bang isasagot ko?

“Ui..daldal queen!” pambubulabog niya.

“Ay grabe tandang Gelo! Maka-daldal queen lang ah.”

“Hindi ka na kasi nagsalita.. na-gwapuhan ka na naman sa akin nu” *wink* sabi niya na may kasama pang kindat. Hopia? Bakit ang gwapo niya dun?

Ay gwapo?

Erase.

Erase.

Erase.

“Psh. Push mo yan, Tanda kapal lang ng feslak mo!” sabi ko.

“Tss. Kalian ka pa naging bakla?” WHAT??? AKO? BAKLA??

“Ansabe mo?” tanong ko sa kanya…

“Wala sabi ko ang daldal mo” tsk. Baliw talaga.

“Ah ganun? Okay lang MATANDA ka pa din naman eh HAHAHAHA” banat ko sa kanya. Idiniin ko talaga yung salitang matanda at talagang tumawa ako ng bongga yung pang-kontrabida.

“Tss. Isip bata pasalamat ka asdfghjkl” pabulong na sabi niya, narinig ko yung una pero hindi ko naintindihan yung dulo

“Bulong pa… Tanda!” banat ko pa din sa kanya.

“Manahimik ka muna daldal!”

“Paano kung ayaw ko?” tanong ko sa kanya.

“Sisipain kita palabas ng kotse” WOW matapos niya kong sunduin sisipain niya ko? ABNOY -__-

“Speed Dial 1, number ni Tita Mel” sabi ko sabay ngiti. Haha panakot ko sa kanya yan. Tingnan natin kung makapalag yan.

“Edi tumawag ka -___-“ poker faced niyang sabi…

WHAT? Hindi siya natakot? Hmmp. Ganun ah? Idi-nial ko ang number ni Tita Mel. Loko tong matandang to. Akala niya joke ah?

“Pero Tita??..okay po. Bye Ingat po….”

Bumaling ako kay Tandang Gelo nakita ko siyang nakangiti ng nakakaloko.

“Oh anung sabi ni Mom?” tanong niya na tila nang-aasar pa.

“Badtrip ka!!!” asar na sabi ko sa kanya. Salamat na lang ang nakarating na kami sa pupuntahan namin. Pagkababa sinalubong agad kami nila Jav.

“Ay Demi girl? Ang tagal niyo naman yung gutom ko hanggang hypothalamus na” Jav

“Maka-hypothalamus Jav? I-spell mo nga?” sabat ni Naej

“Wag nangingialam Naej, hanggang dito lang usapan oh” ganti ni Jav sabay guhit ng imaginary bakod mula sa akin papunta sa kanya.

“Tss. Hindi mo lang alam yung spelling.” Hindi patatalong banat ni Naej

“Alam ko kaya, sige nga ikaw ang mag-spell” Okay so mag-aaway muna sila.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon