POSSESSIVE

76 9 1
                                    

DEMI’s POV

Demi, I love you.

KAYAAAAAHH!

Hanggang ngayon nag-e-echo pa din sa isip ko yung sinabi ni Tanda! Anak ng  pitumput-puting tupa! Buti na lang nagpakadalagang pilipina pa ko ng mga oras na ‘yon.

“Grabe! Ang ngiti abot hanggang bumbunan ‘teh!”

“Naiinggit ka na naman Jav!”- Naej

“Lah? Epal ka talaga Naej! Sampalin kita dyan”

Napailing ako sa dalawang nasa harapan ko. Kahit kailan talaga hindi natigil ang dalawang ‘to sa bangayan! Tumingin ako sa paligid para hanapin si Clei. Ang babaeng ‘yon talaga, may sapi.

“Wala pa si Gelo, Harujuiceko Demi Girl! Magpakipot ka ng konte!” sita sa akin ni Jav, napansin niya atang may hinahanap ako.

“Sira! Si Clei ang hinahanap ko ‘no!” sigaw ko sa kanya. Totoo namang si Clei ang hinahanap ko eh.

“Ah talaga ayan na pala si Gelo”  sabi niya na ikinalingon ko.

“Huli ka balbon! Hindi pala hinahanap ah!” sabi niya kasunod ang tawanan nila ni Naej. Pinagkaisahan na naman ako. Hindi ko na lang pinansin yung pang-aasar nung dalawa.

Maya-maya ay dumating si Micko. Nakabusangot ang mukha. Anong problema nito? Hindi ba dapat ako ang magalit sa kanya dahil sa ginawa niyang pang-iiwan kahapon?

 “Semana Santa na ba?” tanong ni Jav sa amin sabay nguso kay Micko.

“Problema?” tanong ko sa kanya.  Lumingon siya sa akin pero agad binawi ang tingin.

“Wala na daw siyang pag-asa sayo. Hahaha” sabi ni Naej na ikinatawa naman ni Jav. Ganyan yan silang dalawa na lang sumusuporta sa joke ng isa’t isa. Sinamaan naman ni Micko ng tingin si Naej kaya itinaas ni Naej ang dalawang kamay para ipahiwatig na suko na siya.

Mukhang wala talaga sa mood si Micko kaya hinila ko muna siya palayo kila Jav at lumipat kami sa kabilang table.

“Anong problema mo?” tanong ko ng makaupo kami. Umiling-iling lang siya bilang sagot.

“Seryoso? Nung panahon na ako ang may problema ikaw yung nasa tabi ko, wala ka bang tiwala sa akin?” pagdadrama ko sa kanya.

“Magkaiba kasi yun Demi” sagot niya.

“Alin ang magkaiba?” tanong ko. “Hoy Micko ah! Wag mo kong artehan! Dapat galit ako sayo dahil bigla mo kong iniwan kahapon!” reklamo ko.

“Tss.” Sabi niya sabay hawak sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Iniwas-iwas ko naman  ang ulo ko pero hindi niya ko tinitigilan kaya hinawakan ko na ang braso niya para pigilan siya. Agad naman siyang tumigil at ngumuso sa akin. Kumunot ang noo ko, anong problema nito? Inalis niya yung kamay ko sa braso niya at may tinuro.

“Hah?” tanong ko. Biglang napipi ang lokong ‘to. Napahilamos siya mukha niya dala na siguro ng frustration. Eh bakit kasi hindi na lang magsalita ng mainitindihan ko?

“Si Gelo” sabi niya habang nakapalumbaba sa harap ko.

“Si Tanda ang problema mo?” tanong ko. “Bakit? Anong ginawa niya sayo? Pinuntahan ka kagabi?” sunod-sunod na tanong ko.

Nagkamot siya ng ulo. “Si Gelo ang sama ng tingin sa atin” sabi niya sabay turo. “Ayun oh!”

Agad naman akong lumingon at nakita ko nga si Tandang Gelo kasama ang mga kabarkada nito na nasa pwesto nila Naej at Jav, andoon na din si Clei.  Tumayo ako at inaya si Micko na lumapit doon.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon