FOUNDATION DAY 1: SELOS MUCH?

198 15 6
                                    

GELO’s POV

Unang araw ng foundation week, busy na naman lahat ng tao… tinawagan ko si Demi at sinabi kong hindi ko siya masusundo, kailangan kasi na maaga kami alam ko namang tanghali na papasok yun dahil one week na free time meaning to say walang klase puro programs and activities lang, Business Administration students ang naka-assign sa opening at bilang senior kami ang dapat mag-asikaso… pagdating ko sa school nakita ko si Kali, ang war freak na pinsan ni Demi.. ang aga naman ng babaeng to? Ay oo nga pala Business Ad din ang course niya. 

“Hi Angelo!” bati niya . Anak naman ng tipaklong, umiiwas na nga ako nakita pa ko -_-

Nginitian ko siya, hindi naman kasi ako nakikipag-usap masyado sa ibang tao sa mga kaibigan ko lang at kay Demi syempre. Pero lumapit pa talaga siya sa akin. Tsk.

“Sungit much.. Si Demi?” Now what? She’s starting a conversation. Gusto ko sanang tanungin siya kung tanungan ba ako kaya lang ayoko namang ma-offend siya, kasama niya pa naman yung mga kaibigan niyang kapiraso na lang ang mga suot.  Sabihin ko nga kay Dean na pagawan sila ng damit, hindi maganda sa paningin.

“Kali!” isang sigaw ang nakatawag ng pansin sa aming lahat.

“Oh.. Hi Micko!” bati ni Kali. Wow so magkakilala sila? Nilapitan ni Kali si Micko, hindi ko na siya pinigilan mas okay yun para makaalis na ko. Wala naman akong pakialam kung magkakilala sila o anu man, bahala sila sa buhay nila. Mas okay yun para sa akin lang si Demi.

(KONSENSIYA: Magtigil ka Angelo! Walang sayo no!)

Tss.

Naglakad na ko papunta sa school ground. Nakita kong naka-ayos na yung stage na pina-assemble namin kagabi.. nandito na din yung mga B.A. na naka-assign sa decorations. Okay naman na pala, maasahan naman silang lahat.

Nakita ko si Kim, hindi naman na siya iba sa akin dahil best friend nga siya ni Demi at isa pa dun may gusto sa kanya si Charles. Agad ko siyang nilapitan.

“Good morning!” nakangiti kong bati, ngumiti naman siya pabalik. Hindi ko muna siya kinausap dahil mukhang madami pa siyang gagawin, siya ata ang head ng decorations committee kaya tumulong na lang muna ako sa iba. Maya-maya nagsidatingan na din ang mga kaibigan ko.

9 am magstart ang program  madami-dami ng mga students ang nasa school ground. Hinahanap ko si Demi, nagtext ako sa kanya kanina at sabi niya ay on the way na siya. Nasaan na kaya ang babaeng yun?

“Gelo… para sayo” hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Kim. May dala siyang coffee, hindi na ko tumanggi dahil kanina pa ko nagugutom hindi ako nakapagbreakfast kanina, kaya okay na to para kahit papaano mainitan yung sikmura ko na kanina pa sumasakit.

“Hi Kim” bati ni Kit kasunod niya sina Charles at Mark.

“Hi” nahihiyang bati niya.

“Oh Gelo? Akala ko hinahanap mo si Demi?” tanong ni Mark sa akin. Oo nga pala nasabi ko yun sa kanila kaya hindi ako sumama sa cafeteria.

“Oo, kanina pa nga eh…nakita mo niyo na ba yun?” tanong ko.

Nagtinginan si Charles at Mark sa isa’t-isa…

“Hindi mo nakita? Eh bakit sabi niya nakita ka na daw niya?” naguluhan ako sa sinabi ni Kit. Nakita? Hindi ko nga siya nakita eh?

Tiningnan ko lang sila… “Nakasalubong namin siya Angelo” seryosong sabi ni Mark.

Sh*t bakit bigla akong kinabhan? Pakiramdam ko nakita ako ng girlfriend ko na may kausap na ibang babae at ngayon problemado ako kung paano magpapaliwanag sa kanya.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon