FIRST PLAN

201 16 0
                                    

GELO's POV

Hindi ko na nakita si Demi simula ng iwan niya ko ng walang paalam sa parking lot.

Kakatapos lang ng lunch break, naalala ko yung sinabi niya kanina na pupunta siya ng library...

Nakatayo na ako at akmang aalis ng biglang magsalita si Charles.

"Gelo, san ka pupunta?"

"Sa CR." pagsisinungaling ko, pihadong aasarin na naman ko ng mga gunggong na to pag nalaman nilang pupuntahan ko si Demi.

"Dyan lang? sigurado ka?" may halong pang-aasar na tanong ni Kit.

"Oo" muling sagot ko.

"Samahan na kita Gelo" sabat naman ni Mark.

"Bakit ka pa sasama? iihi lang ako nu...Bakla ka ba?"pagtatanong ko kay Mark.

"Gago ka pare! Sa gwapo kong to sayang naman kung magiging bakla ako... magkakalat pa ko ng lahi pagka-graduate natin." natatawang sagot ni Mark

"Bakit hindi ka pa ngayon magkalat ng lahi?" banat ni Kit.

"Oo nga naman Mark, simulan mo na sayang ang oras" dagdag ni Charles.

"Tss' puro kayo kalokohan, sige na. Kita na lang tayo sa room" pagpapaalam ko.

"Sus!!! para-paraan mo Gelo, sige hanapin mo na yung prinsesa mo!" sigaw ni Mark.

Napa-iling na lang ako sa isinigaw ni Mark at hindi na lumingon.

Bakit nga ba hindi ko masabi na kay Demi ako pupunta gayong alam naman talaga nila?

May masama ba?

may malisya ba?

may mali ba dun?

magkapatid lang naman ang turingan namin diba?

oo tama...

o di kaya'y matalik na magkaibigan...

oo un lang..

Habang naglalakad madaming tao ang nakatingin sa akin, iniisip ko tuloy kung may dumi ba ako sa mukha o baka sadyang gwapo lang ako.

Nakarating ako sa library ngunit hindi ko nakita si Demi.

Lokong babae yun ah... sabi niya dito siya mag-i-stay? san kaya siya nagpunta?

Nag-effort akong maglakad papunta dito tapos wala pala siya.

Lumabas ako ng library at dumungaw sa may corridor.

Sinipat-sipat ako ang mga tao sa ground nasa 4th floor kasi tong library.

Tingin sa kaliwa...

Tingin sa kanan...

halos mabali na ang leeg ko sa kakatingin...

Bigla kong naikuyom ang palad ko at dali-daling bumaba.

DEMI's POV

Tapos na ang lunchbreak.

Papunta na ko sa library para mag-siesta, kung bakit kasi ang layo ng library sa building namin...

Wala akong klase ng 2 hours, ang sarap lang ng schedule ko...

"Ay huli ka balbon!" nagulat ako ng may lalaking sumigaw ng pangalan ko.

kahit hindi pa ako lumilingon, alam ko na kung sino siya.

Hingal na hingal siya ng makarating sa harapan ko

"Anong problema mo Mr. Atribida?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Mr. Atribida? sino yon?" tss. gwapo sana kay lang parang kulang sa IQ sayang

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon