PERMISSIONS

50 7 13
                                    


DEMI.

"Bakit ang tahimik mo?"

Tumingin ako sa kanya. Sa daan lang siya nakatingin kasi nagdadrive siya. 

"May naalala ka ba?" tanong ko.

"Ha?" nakakunot ang noo niya. So wala talaga? Nakalimutan niya na o ayaw niya lang talagang alalahanin.

Naramdaman kong itinigil niya ang kotse.Paglingon ko nasa sementeryo kami.

"Gelo—"

"It's his birthday" nakatingin na siya sa akin at kita ko sa mata niya ang lungkot. Ngumiti siya at tsaka lumabas. Umikot siya para pagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay binuksan naman niya ang compartment ng kotse at kinuha ang pumpon ng bulaklak at isang maliit na paper bag. Matapos ay hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad.

Seryoso. Tahimik. Malungkot.

Yan ang napansin ko kay Gelo mula ng matunton namin ang puntod. Mula ng mamatay siya hindi na namin siya pinag-usapan, ni hindi ko nga alam kung dumadalaw ba siya dito basta ang alam ko palagi akong nandito. Palagi ko siyang binibisita at patuloy akong naghihintay na isang araw babalik siya. I admit na gusto ko siya, mga bata pa kami noon pero batid kong siya ang gusto kong makasama ko hanggang sa pagtanda. Pero dahil mapaglaro ang tadhana, he passed away. Hindi niya natupad lahat ng pangako niya. I was left behind pero I thank God kasi palaging nandyan si Tandang Gelo, hindi niya ko pinabayaan kahit palagi niya kong inaasar at inaaway.  Lihim akong napangiti sa naisip ko. I'm still lucky to have Gelo.  

Tahimik niyang inilapag ang bulaklak at sinindihan ang kandila. Matagal niyang tinitigan ang pangalang naka-ukit sa lapida.

XX WARREN DEL ROSARIO XX

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Kung masakit para sa akin ang biglaang pagkawala ni Warren, hindi ba't mas masakit para sa matalik niyang kaibigan? Magkaibigan din namn kami kaya lang alam kong mas malalim ang sa kanila ni Tanda. Best Buddy parang tunay na magkapatid.

Pinunasan ko ang aking mga luha at umupo sa tabi ng puntod.

"Kamusta?" ngumiti ako sa lapida at tsaka tumingin kay Gelo.

"Kamustahin mo naman si Warren" utos ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Naka-usap ko na"

"Ha? Hindi ka nagsalita 'no!"

"Naka-usap ko na nga..."

"Eh bakit hindi ko narinig?"

"Bakit kailangan mo pang marinig? Sa amin na lang dalawa 'yon!"

Bumalik na sa dati ang ngiti niya. I tried to lighten up the atmosphere here.

"Kadayaan! Hanggang ngayon ba naman may sikreto pa din kayo?" pagtatampo ko. "Ikaw Warren ha! Nakakainis ka! Ibulong mo sa akin yung sinabi ni Tanda!" baling ko sa puntod ni Warren

Tumawa si Gelo kaya napalingon ako sa kanya.  "Pag sumagot 'yan baka kumaripas ka ng takbo"

"Tse! Warren alam mo na ba?" pagkausap ko kay Warren. Kahit hindi siya sumasagot o magmukha man akong baliw wala na akong pakialam.

"Hindi pa..." sagot ni Gelo.

"Hindi ka si Warren!" sigaw ko.

"Okay" saka siya tumingin sa langit na akala mo may tinatanaw. Ang galing niya talagang mang-asar!

"Aish! Alam mo ba si Tanda... Palagi akong inaaway niyan. Palagi pa din akong inaasar..nakakainis eh pero alam mo ba na—"

"MAHAL KO SIYA..." lumingon ako, at nakita kong nakangiti siya ng pagkalaki-laki. Kailan pa 'to tumayo? Kanina naka-upo lang siya sa tabi ko ah. 

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon