Avoiding Him

172 14 0
                                    

 DEMI’s POV

Almost a week na buhat nung mangyari yun, I’m always avoiding Tandang Gelo.

Pag pumupunta siya sa bahay, nagtutulug-tulugan ako.

Pag nagtetext siya, hindi ko nirereplyan.

Pag tumatawag siya, I’m turning off my cellphone.

Ewan ko ba? Wala naman akong karapatang magalit dahil hindi naman kami.

Siguro kaya ganito kasi nasanay akong andyan siya palagi sa tabi ko.

Tsaka mas sanay ako na ako ang palagi niyang kasama niya.

Parang boy bestfriend na ang turing ko sa kanya.

Si Kim, palaging absent sa meeting naming magbabarkada.

Hindi naman ako galit sa kanya, siguro nagtatampo lang ako kasi hindi agad niya sinabi na may something na pala sa kanila ni Tandang Gelo. Though alam ko naman na may gusto siya talaga kay Tanda.

“Demi girl, lumilipad na naman sa outer space yang utak mo!”

Napapitlag ako sa sinabi ni Jav. Andito kami sa may field, naka-upo sa ilalim ng puno.

Halos lahat ng estudyante nasa labas, may biglaang meeting na naman ang faculty, malapit na kasi ang foundation day.

“Sorry Jav”

“Tss. Kaloka ka te!Kumain na nga muna tayo.” Yaya niya.

Tsaka ko lang napansin na wala na si Naej at Clei

“teka nasan na yung dalawa?”

“Ay. Ay. Ay. Demi girl! San nakarating yung pag-iisip mo? Nagpaalam sila kanina na magpupunta ng comfort room! Magkita-kita na lang daw tayo sa cafeteria”

“Ah ganun ba, oh siya tara na..” yaya ko pa.

Naglakad na kami ni Jav papunta sa cafeteria, sa dami ng makakasalubong ko si Micko pa.

Iniiwasan ko din tong lalaking to eh -3-

“Hi Demi!” at bumati pa -3-

Nginitian ko lang siya at daming tao baka sabihin ang snob ko

“Tulungan na kita…”

Iniwas ko yung mga dala ko.

“H-hindi na, kaya ko naman”

“Aiisshhh ano ka ba Demi girl! Ibigay mo na!” Pagkasbi ni Jav nun inagaw niya yung dala ko sabay abot kay Micko.

ABA MATINDE!

Shemay kang baklita ka! Basta gwapo bumibigay ka.

“Oh eto, sumabay ka na din sa amin kumain ^__^”

Pa-cute tong Jav na to -3-

ABA MAS MATINDE! TALANDE!

Wala na kong choice alangan pigilan ko pa.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad, hindi naman ganun kalayo kaya nakarating agad kami sa cafeteria.

Sakto dahil andun na agad si Naej at Clei.

“bakit ang tagal niyo, bakla?” bungad ni Naej kay Jav

“Maka-bakla ka Naej! Ipangalandakan mo pa! Hindi nila narinig” pambabara ni Jav.

Natawa naman tong kasama naming kaya napansin siya ni Clei.

“Ah may kasama pala kayo, Now I know kung bakit sila natagalan, Naej” sabi niya sabay tingin kay Jav.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon