FOUNDATION DAY 5: BE A MAN!

171 12 4
                                    

Gelo’s POV

Alas-kwatro  na ng hapon mamayang alas-sais ang concert for a cause. Wala kaming event sa umaga kasi magdamag kaming mag-i-stay sa school mamaya. Andito ako ngayon sa kwarto ko, iniisip ko pa din kung anong gagawin ko mamaya.

Nagdadalawang isip pa din ako.

Gusto ko ba talaga si Demi? o Ayaw ko lang na nakikitang may  kasama siyang iba? Kung ayaw ko siyang nakikitang may kasamang iba, bakit naman kaya ganun? Baka nga gusto ko talaga siya? Eto na ba yung sinasabi nilang pagseselos? Eh teka, bakit ba ko nagseselos? May dapat bang ika-selos? May karapatan ba akong magselos? Baka hindi naman to selos, baka galit tong nararamdaman ko? Eh bakit naman ako magagalit? 

Aish!

Gulong-gulo na talaga ang isip ko!

*tok.tok.tok*

“Pasok!”

“Sir, Andito na po ang mga kaibigan niyo”

Tumango ako  bilang sagot sa katulong na nagsalita. Andito na agad ang mga mokong? Puyat sila pero maaga pa din. Mga excited talaga. Tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo. Matapos maligo, inayos ko ang sarili ko. Simpleng damit lang ang isinuot ko. 

Paglabas ko sa walk-in closet ay napatingin ako sa mesa.

Tissue paper roses.

Napuyat kami nila Charles pero tatlong piraso lang ang nagawa at ang totoo niyan ako lang ang gumawa, hindi naman nakatulong yung dalawang ugok. Ang hirap pala nun lalo na’t sa tissue gagawin, palagi kasing napupunit. Pesteng Kit yun! Pinahirapan lang ako.

*flashback

“Sh*t! last na bundle na ‘to ng tissue paper! Mark naman kasi ayusin mo!”

“Inaayos ko Charles! Sadyang napupunit lang talaga. Anong tingin mo sa tissue paper? Tela? Plastic? Hindi madaling masira?”

“Anong klaseng kamay meron ka? Gaan-gaanan mo naman kasi yang kamay mo!”

“Gag-you! Ikaw kaya ang gumawa at ako ang manonood dyan sa video!”

“Lul! Nag-jack en poy tayo kanina. Talo ka kaya ikaw ang gumawa niyan!”

“Eh Takte! Wag kang magreklamo!”

 “Tumigil na nga kayong dalawa, alas-dos na ng umaga! Magsi-uwi na kayo.Ako na lang ang gagawa. Bumalik na lang kayo mamayang hapon!”

“Naks! Ang lupet ni lover boy!”- Mark

“Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig! Magpupuyat at magpapakahirap mapasaya lang ang ini-irog” umakto pa si Charles ng tila makata na nagrerecite ng tula.

“Umalis na kayo bago magbago ang isip ko”

With that cue, tumayo na ang dalawa at walang paalam na umalis.

*end of flashback

Iiling-iling akong dinampot ang tatlong pirasong tissue paper roses. Dinaig ko pa ang gumawa ng project sa EPP class ng mga batang nasa elementary at high school level ah? Sana Japanese paper na lang ang ginamit ko o kaya crepe paper para may kulay at matibay-tibay! Pero nasaan ang konsepto na “malinis na pagmamahal”?  PWE. Pati kakornihan ni Kit nakuha ko na. ‘Pag di lang lang ‘to tumalab, humanda kang Kit Fernandez ka!

Inilagay ko sa paper bag ang tissue paper roses na ginawa ko. Sinigurado kong hindi masisira at makikita ninuman. Tsaka ko napagdesisiyunang bumaba para makaalis na kasama ang mga mokong kong kaibigan. Naabutan kong nag-aasaran ang tatlo.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon