CONFESSION OF A TORPE

105 10 1
                                    

DEMI’s POV

“Hindi ko siya bisita.” Pagtanggi ko kay Micko.

“In denial. Hahaha”

“Micko!” Pinanlakihan ko siya ng mata tsaka ako nagsalita ulit. “Bakit ba siya nandito?”

Nagkibit balikat siya.

 “Affected” komento pa niya.

“Peste! Hindi ka nakakatulong.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Labasin mo na kasi, ang sama na ng tingin sa akin ng Gelo mo baka mamaya sapakin ko pa yan”

“WALANG GELO KO! At isa pa wala akong paki-alam kung sapakin mo siya.”

“Ah talaga? Teka nga.”

Aba’t lalabas nga ang loko pero bago man ay hinila ko yung kamay niya para mapigilan siya.Wrong move kasi napalapit siya sa akin as in malapit yung mukha niya sa mukha ko. Kumbaga isang maling galaw ay magdidikit yung labi namin

“Ano ka ba Demi, kung gusto mo kong halikan wag sa harap ni Gelo” nakangisi niyang sabi nung makalayo siya ng kaunti sa mukha ko.

Namula ako at itinulak siya para mas lumayo pa yung agwat namin“In your dreams” sigaw ko tsaka lumabas ng kotse. Pagkalingon ko sa sa harap ay nakita ko si Gelo. GAAASSSSHH! Lupa kainin mo na ko. Hindi pa ko handang makipag-usap sa kanya! Bigla namang ini-start ni Micko ang makina ng kotse niya. Leche talaga! Iiwan pa yata ako ng lalaking ‘to!

“Prinsesa ko!”

“Manahimik ka Micko!” nakasimangot kong sigaw pabalik sa kanya. Hindi na nga ako mapakali at kabado nakuha pang sumigaw.

He giggled. Parang ewan eh. Hindi pa ba halata na kinakabhan ako dito.

“Ako ng bahala sa mga binili mo, masakit man pero ipinapaubaya na kita sa kanya”

“Hah? Ano?”  I looked at him and mouthed. Kita ko sa mata niya na malungkot siya kahit nakangiti yung labi niya. Minsan talaga hindi natin mapipilit ang sarili natin na gustuhin ang isang tao. Unfair ang pag-ibig.

 “That’s life, we fall in love with someone we can’t have. I think one month is enough para maramdaman kong mahal mo nga talaga siya.”

“Micko…”

“I’m okay. We can still be friends. Sabihin mo lang kapag sinaktan ka ulit ni Torres.”

Yun lang at iniwan niya ko. Ang drama niya talaga! Nagulat ako nung pagdaan niya kay Gelo ay bigla itong bumusina at tinanguan pa siya ni Gelo.

“DEMI!”

Okay I’m doomed. Bakit niya ba ko tinatawag? Anong gagawin ko?

A. TATAKBO

B. TATAKBO

C. TATAKBO

D. ALL OF THE ABOVE

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla na lang may humawak sa kamay ko at saka ko hinila. Binuksan niya yung pinto ng kotse tsaka ako pinasakay. I was shocked. Hindi ako makareact dapat ngayon binubungangaan ko na siya. Sumakay siya tsaka ito pinaandar. Tahimik kami pareho, parang may kung ano sa loob ng tiyan ko ng bigla niya buksan ang radio at tumugtog ang kantang “One and Only You” ng parokya ni Edgar. Feeling ko nakukulangan na ko ng hangin sa katawan.

Bago pa mahuli ang lahat, sa tingin ko ay nakarating kami sa dapat naming puntahan dahil tumigil na ang kotseng sinasakyan namin. Lumabas si Gelo at tsaka siya umikot para pagbuksan ako. Gentleman pala siya? First time ‘to. Agad naman akong lumabas ng kotse baka mamaya alalayan pa ko. Edi hinimatay na ko. Harujuiceko! Gusto kong kastiguhin ang sarili ko sa iniisip ko.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon