Circle Of Friends

220 13 2
                                    

Third Person's POV

Panay ang reklamo ng binata dahil sa natamong sugat sa ilalim ng kanyang labi.

"Nasira ang maganda kong mukha dahil sa mga kalokohan mo."

Nakatayo siya sa harap ng salamin at ginagamot ang sarili.

"Tss. Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi ko ini-expect yun?"

Pagpapaliwanag ng kausap.

"Expect the unexpected, may patutunguhan ba to hah?"

"Huwag ka ng magtanong basta sumunod ka na lang at matuwa ka dahil gumagana ang plano."

Iniwan ng binata ang kausap, hindi niya maintindihan kung bakit nito iyon ginagawa.

Inisip niya kung paano gagawin ang ikalawang hakbang.

DEMI'S POV

Napag-usapan na namin kahapon ni Tandang Gelo yung tungkol kay Mokong este kay Micko..

Umiral na naman ang pagiging matanda niya..

*Flashback

 

Nakasakay kami sa kotse ni Tandang Gelo, dumaan muna kami sa isang ice cream store.

 

Ibinili niya ko ng ice cream ♥___

 

pambalubag loob sa ginawa niyang eksena kanina.

 

"Huwag ka ng lalapit dun sa Mokong na yun ah" sabi niya pagkasakay sa kotse.

 

"hmmm..." di ako makapagsalita ng maayos kasi mas nakafocus ako sa ice cream.

 

"Bingi ka ba?"

 

Tiningnan ko siya ng masama.

 

"Joke lang" sabi niya.

 

Ibinalik ko yung tingin ko sa ice cream, mas okay pa dito ako mag-focus.

 

Bago ako bumaba sa tapat ng mansyon namin may pahabol pang bilin si Tanda.

 

"Demi, wag kang lalapit sa kanya. Tandaan mo madami akong mata sa school."

 

Tss. Bakit kaya?

 

*end of flashback

 

Isang linggo na ang nakalipas buhat ng mangyari yung sa school ground.

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon