FOUNDATION DAY 3: ATRIBIDA day

126 14 3
                                    

DEMI’s POV

Matapos kong mabaliw sa kalokohan ni Micko kahapon ay umuwi agad ako. Feeling ko magkakasakit ako sa kalokohan niya -_-

Yung totoo bakit kelangan may note pa siya kung i-popost pa niya na gusto niya ko dun sa may gate? At nasa banner pa? Color pink pa? Anyway wala naman akong galit sa color pink. Di ko lang trip masyadong pa-girl.

Anyway, kagabi ko pa iniisip na kung si Micko at si boy pick up ay iisa ibig sabihin nagkataon lang talaga na andun si tandang Gelo? Bakit parang may part sa puso ko na masakit? Umasa ba ko na sya yug nagbigay nun? Nah! No. No. No

Hmm. gwapo naman si Micko eh kaya lang.. aish! NEVERMIND.

Andito pa ko sa bahay, tanghali na pero parang wala ako sa mood pumunta sa school. Foundation day naman at wala naman kaming gagawin sa school.

Kasalukuyan akong nakahiga sa oh-so-lambot kong kama. At grabe lang dahil feeling ko mukha akong zombie. Hindi nga kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip.

TOK-TOK-TOK

Biglang bumukas ang pinto

“Miss Demi, nasa baba po si Sir Angelo“

O__O

Napabangon ako bigla.

“BAKIT DAW?”

Oops OA. Teka bakit andito yun? Hindi naman kasi siya nagtext eh.

“Hindi ko po alam eh, tsaka may isa pa pong lalaki yung naghihintay dun sa baba”

“WHAT?” di kaya si Micko yun?

“Ah dalawa po sila dun.” Sapakin ko kaya si ateng? Mrunong akong mag-add nu!

“Sabihin mo may sakit ako” tsaka ako humiga ulet at nagtalukbong ng kumot.

Narinig kong sumara yung pinto ng kwarto ko. Ay salamat!

Grabe lang!

Anong ginagawa nila dito?? Bakit nagsabay pa?

*beep

From: Jav

Girl! Where na you? Dito na us!

-end-

OH SHOCKS? Don’t mind kung paano siya magtext. Ganyan talaga yan. Pamintang Conyo -_-

May usapan nga pala kami!!

Dali- dali akong tumayo at dumiretso ng cr. Anak naman ng tinapa oh?

Bakit ba nakalimutan ko na tutulungan ko sila Jav sa AVR? Aish! Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng damit. Foundation Week diba?! 3rd Day! Pwede ng naka-civilian!

Nagsuot ako ng color cream-fitted jeans then blue hanging blouse, yellow chucks then kinuha ko yung jacket kong gray pati cellphone at wallet. Ay grabe lang. Hindi ko na inayos yung buhok ko. Tutal parang ragged naman ag outfit ko, keri na lang yan!

Bumaba  na ako ng mabilis dinaig ko pa si flash!

“Manang! I need to g--…”

O__O

“Akala ko may sakit ka?”

Bakit nandito pa to? Anak ng tupa!

“ah—ah a-ano O-oo may sakit ako.” Nakapagsinungaling pa ulit oh? Makapa-ngumpisal nag mamaya sa simbahan!

“Bakit ka aalis?” Pakialamero talaga tong atribidang to!

“Ano kasi magpapacheck up ako.”

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon