FOUNDATION DAY 4: TANDANG GELO at ang PAYO ni KIT

125 13 0
                                    

GELO’s POV

Lintek lang ang walang ganti!

At talagang pinagseselos talaga ako ng Micko na yun?

Makikita niya kung sino ang kinalaban niya!

“Pinuno! Wag naman ganyan kung may galit ka wag mo ibunton sa paper cup”

Nilingon ko ang nagsalita.

“At kanino ko ibubunton ang galit ko Kit?”

“Kay Mark” ^_^

“Gag* nananahimik ako dito”- Mark

“Edi kay Charles”

“May sinasabi ka Fernandez?”- Charles

“Wala Cortes! eh kasi naman sayang yung paper cup, ang mahal kaya niyan!” paliwanag ni Kit.

“Ah ganun ba? Oh Torres sa kanya mo ibunton yung galit mo tutal naman mas pinanghihinayangan niya yung paper cup kesa sa buhay niya” –Charles

“HAHAHA”- nakitawa pa si Mark.

Tiningnan ko ng masama si Kit.

“Pinuno, joke lang yun! Di ka na mabiro. Oh eto pa paper cups baka kulang yang hawak mo” sabi niya habang inaabot sa akin yung isang plastic ng paper cups.

“Bakla ka talagang Fernandez ka!” sigaw ni Charles

“Hindi no! iniisip ko lang ang kinabukasan ng fan girls ko pag nawala ako” pagmamayabang niya. Potek maka-fan girls naman tong mokong na to? Eh isa lang naman ang humahabol sa kanya?

“Fan girls? In your dreams! Sa ating apat pangalawa ako sa pinaka-chickboy!” sabat naman ni Mark

Wala na talaga silang ginawa kundi magpayabangan? Pare-pareho naman silang walang panama sa akin -_- syempre ako ang pinuno! May hihigit pa ba? Okay makapal nga mukha ko. Pero I’m just stating the fact.

“Tumigil na nga kayo, mag-isip na lang kayo ng plano kung paano ko masosolo si Demi ngayong araw! Takte nakakarami na yung Micko na yun eh” saway ko sa kanila.

Natahimik naman yung tatlo. Tingin ko nag-iisip sila… salamat naman kung ganun!

“Pinuno naman! Ikaw ang heart throb, ang boy next door, ang tinitilian ng madlang kababaihan tapos hihingi ka ng tulong sa amin? Kaya mo na yan!” –Kit

Konting-konti na lang maniniwala na kong bakla si Kit. Bakit ang daldal niya! -___-#

“Ang totoo niyan hindi siya humihingi ng tulong sayo kundi sa amin ni Charles” pambabara sa kanya ni Mark

Napakamot ako sa ulo ko kaya hindi na sumagot pa si Kit pero kitang kita ko yung mukha niya na may sasabihin pa. Nginusuan niya na lang si Mark. Potek! Confirmed!

“Ayain mo kayang makipag-date?” –Charles

“Hindi niya nga alam na gusto ko siya” –ako

“Pwede namang sabihin?” –Mark

“Paano?”- Ako

“Lalala? May bibig ka pinuno? Pwedeng gamitin”

Tumingin kaming tatlo sa kanya, palaging wala sa hulog tong mokong na to! Ngitian niya kami tsaka uminom ng soft drinks. Tss. Palaging tiklop, siya kasi ang pinakabata sa aming apat.

“Oh ano ng gagawin ko?” tanong ko

“Ayain mo na lang sa cafeteria para di masyadong obvious” –Kit

Aba’t sasabat at sasabat pa talaga ang mokong na to pero infairness okay yung naisip niya. ^__^

“Oh tapos?”- tanong ni Mark

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon