First Day High

294 18 3
                                    

GELO'S POV

To: Tandang Gelo

Hoy Gelo-lolo!! tapos na ko.. lalabas na ko ng mansion namin dapat nasa labas kna ha!

alam mo namang bawal masikatan ng sinag ng araw ang mukha ko, wag ka ng magreklamo sa kin, kung may reklamo ka sa barangay ka magpuntab:P-demi ganda :)

Ang galing talaga ng babaeng un?? ni hindi manlang nag-good morning?

Ayos ah? anu ko alalay? at dapat nasa labas na agad ako -_- humanda lang yan sakin.

Pasalamat talaga yung babaeng yun at kailangan ko siyang pakisamahan ng todo. kung hindi lang matalik na magkakaibigan ung magulang namin baka tinamaan na talaga siya sa akin.

Oops dont get me wrong ha? Hindi ako nananakit ng mga babae..siguro makakasakit pa lang.

Tss.

yan lang ang sagot ko sa babaeng madaldal na un. At anong tawag niya sa akin? Tandang Gelo? Gelo-lolo? Aishh makakatikim na talaga siya.

Kasalukuyan akong nagda-drive papunta sa bahay ng madaldal na babaeng yun.. pa-mansyon mansyon pa? eh kubo lang ang dating sakin nun eh..

Malapit na ko ng matanaw kong nagbukas yung higanteng gate ng kubo nila.. este mansyon daw? Nakita kong palabas ang isang babaeng ubod ng ganda... hah? ubod ng arte pala.. lintek.. naloko na nagagandahan ba ko sa kanya? IMPOSIBLE. lahat ng ayaw ko sa babae na sa kanya na ehh.

Mabilis kong ipinarada ang kotse ko at ibinaba ang bintana,

 "Sakay na! ayokong ma-late dahil sayo!" sinadya kong hindi bumaba para pagbuksan siya. Tingnan natin kung ano ang gagawin nitong daldal queen na to.Ungentleman na kung ungentleman,aba? nagpasundo na nga siya ang gusto niya pa pagbuksan ko siya? Swerte lang? Kung mapang-asar siya, pwes mapang-asar din ako. HAHA. *evil laugh*

" Wow,napaka-gentleman mo talaga Tandang Gelo, hiyang-hiya naman ung ganda ko at talagang hindi mo manlang magawang pagbuksan ako ng pinto ng kotse mong malapit ng ipatapon sa junk shop" tss. hindi na lang nagpasalamat dahil sinundo ko siya? at talagang nilait pa yung kotse ko?? eh kabibili ko lang nito kahapon ah??

" Kung magdadaldal ka lang dyan, mabuti pang mauna na ko." Sabi ko kasabay ng pag-start ng engine ng kotse ko at pagtaas ng bintana nito.

Hinawakan niya yung papataas na bintana ng kotse ko , "Teka Tanda, eto na nga ehh." tingnan mo masyadong maarte ang daming sinasabi sasakay din naman pala..

Wala siyang ginawa buong biyahe kundi sabihin sa akin ang mga gagawin niya buong araw, sa totoo lang tahimik ako pero napapadaldal ako ng todo kapag inumpisahan akong asarin ng daldal queen na to..

"Tapos after lunch pupunta ako ng library, kung gusto mo pumunta ka din Tanda para may kasama ako hehe"

"Tigilan mo ko Demi, alam mo namang wala akong hilig sa pagba..." di ko natapos ang sinasabi ko ng bigla na naman siyang bumira ng salita, ang malala pa nito pasigaw pa.

"Pagbabasa!!! eh hindi naman kasi ako magbabasa no Tanda!"

Nak ng? kelan titigil to ng kakatanda??  " eh bkit ano ba ginagawa sa library? hindi ba dun nagbabasa, at gumagawa ng mga paper works.."

"OMG. tanda matutulog lang ako dun, alam mo na after lunch,siesta time :)"

Walastik. Abnormal talaga tong babaeng to..matutulog sa library??

kung makapagsalita akala mo hindi siya galing sa mayamang pamilya.

" Tss. abnormal ka! teka nga puro ka tanda dyan ah...pag di mo ko tinigilan ng kakatawag mo sa kin ng tanda, sisipain kita palabas ng kotse ko."

"Oh talaga? tingnan natin kung kaya mo...tatawag lang naman ako kay Tita Mel.."

*kruu....

 

*kruu....

*kruu....

imbes na siya ang tumahimik, ako ang napatahimik niya...bwiset talaga.

After 987654321 minutes, nakarating din kami sa EunJi University.

Yung babaeng madaldal dali-daling lumabas, aba't hindi man lang talaga nagpasalamat?

Humanda siya sa akin mamaya.

A/N: hello :) SALAMAT  SA NAGBABASA NITO! <3 keep on reading po, and kung nagustuhan niyo po si Tandang Gelo at Demi-daldal dont forget to vote :) THANKS GOD BLESS! 

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon