THE MOVES NI TANDA

28 3 1
                                    


After a week...

GELO

"Sigurado ka?" mataman kong tiningnan si Kit.

Tumango siya.

"Maloko ako, pero sinisugurado ko sayo na sa pagkakataong 'to paniwalaan mo ang isang gwapong tulad ko"

Halos maibuga ni Charles ang iniinom niyang kape sa tinuran ni Kit. Saksakan talaga ng yabang ang lokong 'to. Eh hanggang kuko ko nga lang siya sa paa tapos yung hinliliit pa.

"Gagyou kang Fernandez ka! Itikom mo yang bibig mong ubod ng yabang ha!" sita niya bago muling humigop kape...

"Lul! Full force na naman ang pagtawag mo sa angkan ko" sigaw naman ni Kit pabalik.

Panay naman ang ngiti ni Mark sa kanila, halatang aliw na aliw sa bangayan ng dalawang retarded.

"FERNANDEZ" lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Ayusin mo ang lahat ng 'yan at siguraduhin mong tama..." bumaling ako kay Mark at Charles. "Kayong dalawa, pagkatapos niyong mag-almusal, umuwi na kayo. May practice tayo hindi ba? Sa school na tayo magkita..."

"Gelo..." papasok na ako ng banyo ng tinawag ako ni Mark, agad ko naman siyang nilingon.

"Si C--..." hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"Wag na nating pag-usapan..." tsaka ko itinuloy ang pagpasok sa banyo. Narinig ko pa ang sinabi ni Charles ng maisara ko ang pinto.

"Pupunta siya. Huwag kang mag-alala."

Napabuntong hininga ako. Napakadami ko namang pinoproblema, isama mo pa si Demi na nung isang araw pa hindi sumasagot mga tawag at nagrereply sa text ko. Ano na naman kayang problema nun? pag nalaman ko lang na nakikipagkita siya sa Micko na 'yon, dahil naging busy ako. Humanda sa akin 'yang Micko na 'yan! Bubugbugin ko siya ng matauhan siya at tumigil na sa panggugulo sa amin.

DEMI

"Nasaan na si Gelo?"

"Jav pwede ba! Wag kang hanap ng hanap. Wala na nga hinahanap mo pa!"

"Ay! Red alert! Malamang alangan namang hanapin ko yung nanditey! Edi nagmukha akong tanga nun?"

Inirapan ko si Jav habang nagpapaliwanag siya. Araw-araw niya ng hinanap si Angelo. Nakaka-asar parang hindi niya alam na isang linggo ng hindi nagpapakita ang lalaking yun sa akin. Nagtetext at tumatawag naman pero hindi ko sinasagot. Anong akala niya? Ganoon na lang 'yon? Ganoon ba siya manligaw? Kakaibang matanda talaga 'yon!

"Hi!"

Umupo si Micko sa tapat ko matapos niya kaming batiin.

"Si Angelo?"

Sumimangot ako sa tanong niya. Lahat ba sila hahanapin ang lalaking 'yon?

"Nako, HB na nga mas lalo mo pang gagalitin Micko!" sita sa kanya ni Naej habang nagsusulat

"Anong meron?" tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin nila Jav at Naej. "Uy Clei" siko niya sa katabi na busy sa pagbabasa. Ginantihan naman siya ni Clei ng pamatay na tingin kaya hindi na siya nangulit dito.

" Demi..." tawag niya sa akin kaya agad ko siyang tiningnan. "Nasaan nga?"

"Hindi ko alam Micko. Isang linggo na ngang hindi nagpapakita ang lalaking yon" reklamo ko sa kanya.

Tumawa siya, "Easy... namimiss mo lang siya kaya ka ganyan"

"Psh. Miss? Hindi ko siya na-mimiss. Nakakainis yung lalaking 'yon! Ganyan ba dapat ang manliligaw? Hindi ba dapat palagi niya akong kinakamusta? Matapos niyang umamin at sabihing manliligaw siya bigla na lang siyang mawawala na parang bula tapos susulpot na parang si swiper no swiping!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FROM THE START (ON-GOING STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon