1
Aalis ngayong araw ang ina ni Kianna na si Katrina kasama ang half sister niyang ipapagamot sa America. Kasama siyang maghatid sa mga ito. Kasama din nila ang step dad niyang si Alejandro na hindi makakasama sa America dahil maraming gagawin sa negosyo nila.
"Take care of yourself anak. Call me anytime. Nandiyan naman ang Daddy Alejandro mo. You can also contact him. Okay?" Paalala ni Katrina sa anak bago binalingan ng tingin ang asawa. "Ikaw na ang bahala sa bahay at kay Kianna. Sabihin mo sa akin kapag nagpasaway nanaman." Bilin nito kay Alejandro. Tumango lamang ito saka humalik sa anak nilang si Kisha.
"Bye, Daddy! Bye, Ate!" Pagpapaalam ni Kisha sa kanilang maiiwan.
Bumeso si Katrina sa kanyang anak at sa kanyang asawa bago tumungo sa departure area.
Nang umalis na ang eroplanong sinasakyan nila Katrina at Kisha. Umalis na rin sa airport sina Kianna at Alejandro.
Sumakay si Kianna sa katabi ng step dad niya na siyang nagda-drive. Hindi sila close pero nag-uusap naman sila. Iba ang pakiramdam dito ni Kianna kaya hindi niya ito madalas na pinapansin. Kapag tinatanong lamang suya nito saka siya sumasagot. Parang isang tanong, isang sagot lang niya kausapin ito.
Binuksan nito ang radyo para na rin siguro mawala ang awkward atmosphere. Si Alejandro ay pangalawang asawa ng kanyang ina. Ito ay 45 years old na, samantalang ang kanyang ina ay 37 lamang. Ang kanyang half sister ay 5 years old pa lamang ay siya'y 23 years old naman.
Hindi ganoon kalakas ang radyo kaya nang kinausap siya nito ay agad niyang narinig kahit gumagamit siya ng phone.
"By the way, how was your work?" Biglang tanong nito. Nakatingin lang siya sa kanyang phone habang nagdadrive ito.
"Okay naman."
"Saan nga pala 'yon?"
"Diyan lang. Malapit sa pinagtatrabahuan ni Tita Claire."
"Gusto mo daanan natin?"
"Bakit pa? Ayoko. Baka may makakita sa akin doon. Absent pa naman ako ngayon." Natatawamg sabi niya.
"Hindi ka naman bababa ng kotse eh
Dadaanan lang natin.""Ayoko."
"Ikaw talaga!" Natatawang sambit nito saka ginulo ang buhok niya. Hinayaan niya lamang ito pero hindi lang isang beses ginulo ang buhok niya habang patuloy sa kakatanong ang step dad niya. May pahawak-hawak pa ito sa kamay niya na iniiwas naman niya dahil ayaw niya sa gingawa nito.
"Pababa na lang ako sa tabi. May pupuntahan kasi akong party." Pagsisinungaling niya para makatakas dito.
"Saan?"
"Sa kaibigan ko."
"Saan 'yon? Hatid na kita. Para alam ko din kung saan ka pupunta."
"No need."
" 'Wag na matigas ang ulo. Magagalit ang Mommy mo."
"Fine." Busangot na sambit niya. "Hindi na ako pupunta."
Magkukulong na lamang siya sa kanyang kwarto.
#010919
BINABASA MO ANG
Secret Affair [FINISHED]
RomanceSecret Affair - YourSinfulWriter WARNING: MATURED CONTENT. The following content may be disturbing to some readers. Reader discretion is strongly advised. READ AT YOUR OWN RISK. #010919