8

38.7K 254 0
                                    

8

Sinundo si Kianna ng kanyang ina sa kanyang condo para sama-sama silang magsimba dahil Sunday ngayon at saktong day off naman niya. Kasama nila syempre ang kanyang step dad at kapatid.

Katabi niya ang kanyang ina sa upuan. Buhat naman ng step dad niya si Kisha katabi ang kanyang ina. Nasa left side siya ng kanyang ina at sa right side naman ang step dad niya nito.

"Peace be with you." Sabi ng kanyang ina saka siya hinalikan sa pisngi ganoon din ang ginawa nito sa kanyang kapatid pero napasimagot siya nang makita ang paghalik nito sa pisngi kay Alejandro. Napatingin din ito sa kanya. Marahil naalarma nito. Hindi niya ito nilapitan pero hinalikan niya sa pisngi ang kapatid.

Kumain sila ng lunch sa isang restaurant saka sila umuwi ng bahay. Tumambay muna siya doon bago naisipang umuwi na sa condo.

"I have to go, Mom." Pagpapaalam niya sa kanyang ina saka ginulo ang buhok ng kapatid niyang nilaro niya muna.

"Okay. Ingat ka. Wait." Sabi nito sak ginala ang mga mata. Napatigil ito nang makita si Alejandro. "Pwede mo bang ihatid si Kianna?" Agad na tanong nito pero bago pa ito makasagot nagsalita na siya.

"No. I can manage. Magta-taxi na lang ako." Singit niya saka bumeso sa ina at tumingin sa kapatid. "Alis na si Ate. Pakabait ka dito."

"Yes, Ate!"

"Very good."

"Ihahatid na kita. Sayang pang-taxi mo." Biglang sabi ni Alejandro na dala-dala na ang susi ng sasakyan.

"No need."

"I insist."

"Anak, sige na."

Napabuntong hininga na lamang siya saka walang nagawa kundi pumayag.

Nang makapasok sa sasakyan agad siyang binalingan nito. Napatingin siya dito pero inirapan niya lang. Akmang aayusin nito ang seatbelt niya pero sinangga na niya.

"Ako na." Walang ganang sabi niya.

"Are you mad?" Mahinang tanong nito  saka sinimulan na ang pagpapaandar sa sasakyan. Hindi niya ito sinagot. "You're mad. Why? Is it because your Mom kissed me at the Church earlier?" Hindi pa rin siya sumagot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nakatulog siya nang wala sa plano. Nagising na lamang siya sa malamig na bagay na dumadampi-dampi sa kanyang pisngi, labi at leeg. Napamulat siya. Hinahalikan siya nito.

"Stop it! Where are we?" Agad n sambit niya nang makita ang labas mula sa bintana. Hindi sa kanya familiar ang lugar. Hindi niya alam kung saan ito.

"In my secret place. I just want to show it to you."

#011419

Secret Affair [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon