K A B A N A T A - 01

10.2K 152 19
                                    

VERENA'S POV

Nagising ang natutulog kong diwa ng marinig ko ang tilaok nung mga manok. Dinilat ko ang isang mata ko at bumungad sakin ang sinag ng araw na nagmumula sa munting binatana ko.

Aga aga, nambubulabog yung mga manok ng kapit-bahay namin.

Unti unti akong bumangon at nag unat.

"MAGANDANG UMAGA, NEBER BERENA!" bati ko sa sarili ko habang tumatalon sa papag.

Talon ako ng talon hanggang sa gumiba na ang kama ko.

Hala! Nakalimutan ko nga palang lagyan ng pako yung papag ko kahapon.

Napakamot nalang ako sa ulo ko saka inayos ang hinigaan ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako saking kwarto at nakita ko sila Ama at Ina na nag-aalmusal na ng tuyo at pulang itlog.

Waahhh! Natatakam na naman ang mga bulate ko sa tiyan.

"Magandang umaga, Ama at Ina!" masayang bati ko saka nagpaikot ikot ako habang papalapit sa pwesto nila.

"Magandang umaga din." natatawang sabi ni Ama saka humigop ng kape.

"Mukhang masaya ang anak ko ah." sabi naman ni Ina habang hinahandaan ako ng makakainan.

Umupo muna ako sa isang bangko saka tinaas ang kaliwa kong paa.

Nilapag ni Ina sa harapan ko yung sinangag na may tuyo at pulang itlog, kasama ng isang baso ng gatas.

Pero hindi yung gatas na may brand ah, gatas ito ng kalabaw, hehe.

d^o^b

"Ang aga mo ngayon ah, wala ka namang pasok." sabi ni Ama.

"Wala lang ho," tipid kong sagot saka nilunok ang pagkain ko. "Pupunta lang ho ako ng palayan maya-maya." dadag ko pa.

"Oh siya, bilisan mo na dahil kapag nagtanghali na masakit na sa balat ang sikat ng araw." paalala ni Ina.

Dali-dali ko namang tinapos yung pagkain ko saka inayos na ang pinagkainan namin.

Hinugasan ko muna iyon bago ako naligo.

Nagsuot nalang ako ng puting bestida na lampas tuhod, saka nag-tsinelas.

Sinuklay ko na din ang buhok ko na hanggang pwetan ko na sa sobrang haba.

Wala akong planong magpagupit, sayang pera pambayad sa mag-gugupit. Maliban nalang kung may manlibre.

d^^,b

Nagpaalam na ako kina Ina at Ama bago tuluyang rumampa sa daan.

Bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin at pilit na pinadarama sakin na nag iisa lang ako.

Oo, alam kong mag isa lang ako. Di mo naman kailangan ipamukha, 'tong hangin na toh. Sapakan gusto mo? Pero lugi ako eh, di kita nakikita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa kubo sa tabi ng palayan.

Malakas parin ang hangin, kulang nalang pati anit ko liparin.

d^o^b

Ilang beses akong huminga ng malalim, kulang nalang singutin ko lahat ng hangin.

Pero syempre di ko inubos, baka lumobo ako at lumutang sa ere. Magmumukha pa akong antalaw, pambugaw sa mga ibon na dadapo sa palay.

( Antalaw is Ibanag word means scarecrow. )

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon