K A B A N A T A - 29

1.9K 41 0
                                    

THERON'S POV

Nang matapos ng mamili ng mga gamit nung aso si Verena, ay agad na silang nagtungo sa counter kasama nung Kuya niya.

Ako naman ay naupo muna sa isang stool at hinintay silang matapos magbayad.

Tanaw na tanaw ko ang labas sa kinalalagyan ko, kaya pinagmasdan ko nalang yung mga sasakyan at taong dumaraan sa harap ng pet shop.

Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking nakacap at nakasuot ng black na jacket na nakatayo sa kabilang kalsada.

Ramdam kong nagmamasid siya dito kaya di ko maiwasang mapatayo at lumabas ng shop.

Hindi ko maaninag ang mukha niya kasi bukod sa jacket na suot ay may mask pa siya at shades.

I am not sure pero parang may
inaantay siyang tao.

Nang lumingon siya sa kinatatayuan ko ay agad siyang kumaripas ng takbo palayo.

Hahabulin ko sana siya pero may tumawag ng pangalan ko.

"Theron!" napahinto ako sa pagtakbo at lumingon sa may entrance ng pet shop.

Nakita ko si Verena na sinesenyasan akong lumapit kaya ginawa ko naman agad.

Lumingon pa ako dun sa daan kung saan tumakbo yung lalaki bago tumingin kay Verena.

Nakanguso siya habang nakatingin sa likuran ko na para bang tinitignan kung sino yung nakita ko.

"Saan ka pupunta? Saka bakit parang may hinahabol ka?" tanong niya kaya agad naman akong umiling.

"Nothing, wag mo ng pansinin." palusot ko saka pumasok ulit sa pet shop.

Sino yung lalaking yun? Saka bakit parang kilala niya ako?

Nagulat pa ako nang biglang may humawak sa balikat ko, Kuya lang pala ni Verena.

"Oh, bitbitin mo. Sasama-sama ka kaya ikaw magdala niyan." sabi niya saka inabot sakin ang ilang paper bag.

Siya na yung nagbuhat nung dalawang malaking karton, yun yata yung biniling higaan nung aso.

Napahinga nalang ako ng malalim saka sumunod sa kanila palabas.

"Kuya, kain muna tayo." request ni Verena sabay himas sa tiyan niya.

Napatingin ako sa tiyan niya at bigla ko nalang na-imagine na buntis siya, at ako ang Daddy.

dO____Ob

What the fuck?! Baliw na ba ako?!

"Hoy! Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?!" nabalik ako sa reyalidad nang sumigaw ang Kuya niya.

Lumingon ako at nakita ko kung gaano na sila kalayo sa kinatatayuan ko.

Sumunod naman agad ako sa kanila at pumunta sila sa isang restaurant dito sa bayan.

"Diyan lang kayo, ako na mag-oorder." sabi ng Kuya niya saka iniwan kaming dalawa ni Verena sa isang table.

Napatingin ako sa kanya dahil napansin kong nahihirapan siyang ikabit ang lock nung jumper niya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon