SPECIAL CHAPTER 1

2.4K 46 0
                                    

⚠️SPG - Medyo mahaba ito, parang pagsasamahin ko na ang dalawang Chapter. Pero di naman ibig sabihin na puro BS yung buong Chapter hah?😂

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang linggo na mula ng makarating kami ni Theron dito sa Castaway Resort sa Koh Lipe Thailand.

Napakaganda ng lugar at hindi mo aakalaing nasa ibang bansa ka. Kasi mula sa loob ay tanaw na tanaw mo na ang kulay asul na dagat.

Gawa sa kahoy yung bawat kwarto dito, namiss ko tuloy bigla yung Isabela.

Mag-gagabi na at inaantay ko si Theron na bumalik dito, hindi ko nga alam kung saan nagtungo ang isang 'yon.

Ni hindi man lang nagpaalam saken, umalis nalang siya basta-basta.

Kanina pa ako nakahiga sa kama, nagcecellphone at inaamin kong nagugutom na ako.

Tatawagan ko sana siya kanina para magpakuha ako ng pagkain kaso iniwan niya pala yung cellphone niya dito sa cabinet.

Dahil na rin sa pagka-inip ko ay naisipan kong maligo muna sa dagat kaya mag-aayos muna ako ng sarili ko, hindi ako marunong lumangoy kaya sa hanggang pampang lang ako.

d^T^b

Mabuti nalang at meron akong nadalang tatlong swimsuit, hindi naman ako mahilig sa mga ganito, si Theron lang naman ang nagsabing magdala ako ng mga ganitong klase ng damit.

Ang napili kong suotin ay ang isang tie back push up one piece swimsuit na color black, yung dalawa kasi ay two piece na, ayaw ko namang may makakita ng tiyan ko.

At baka kasi sa oras na makita ni Theron na may nakatingin saking iba, baka makapatay na siya.

Kaya maganda na ang nag-iingat.

Sinarado ko muna yung mga kurtina para hindi naman masyadong tanaw sa labas ang loob ng kwarto namin.

Sa loob nalang ako ng banyo nagpalit, at ng sandaling masilayan ko ang katawan ko sa salamin, hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag-init ang pisngi ko.

Iniisip ko palang na makikita ni Theron itong katawan ko balang araw, hindi ko na kakayanin, kahit na nakita na niya ang dibdib ko.

Paano pa kaya 'pag nangyari na ang isang kababalaghan sa pagitan naming dalawa diba?

d>>___<<b

Aaahhh!!! Bakit ko ba iniisip ito?!

Sinampal-sampal ko pa ng mahina ang mukha ko saka humarap ng maayos sa salamin.

"Stop it, matagal pa yun okay? Wag kang praning Verena." sabi ko sa harap ng salamin.

Nang makita kong ayos na ang suot ko ay lumabas na ako ng banyo saka sinuot pa ang white long lace beach cover, para hindi naman bulgar na bulgar yung katawan ko diba?

Paglabas ko ay nakita kong palubog na ang araw at alam kong medyo lumalakas na rin ang alon sa dagat.

May mangilan-ngilan na taong naliligo parin, yung iba ay mga bata, yung iba naman ay halos kaedad lang yata namin ni Theron.

Hindi na ako nagsuot ng tsinelas, naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa pampang.

Marahang hinahawi ng malakas na hangin ang buhok kong mahaba na pala at naramdaman ko na ang malamig na tubig na dumaloy sa daliri ng mga paa ko.

Naglakad-lakad na ako hanggang sa mapadpad ako sa parteng dulo ng islang ito. Kahit na padilim na ay kitang-kita parin ang maputing buhangin dito.

Hinubad ko yung suot kong beach cover saka nagsimulang lumusong sa dagat.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon