K A B A N A T A - 53 (ILOCOS NORTE)

1.7K 39 0
                                    

VERENA'S POV

Nanatili lang ako ng isa't kalahating araw dun sa Hospital kasi ayaw ko naman na magtagal dun.

Pakiramdam ko kase nakakulong ako.

dv_vb

Bali lang naman ang nakuha ko, saka nagpaalala naman yung Doktor na kung sakaling sasakit yung batok ko ay lagyan lang daw ng cold compress.

Yung problema ko naman sa paa ay pansamantalang nilagyan ng bandage para magkaroon ng suporta yung nabaling buto ko.

Samantalang inalalayan naman ako ni Kuya makababa sa van kasi siya nalang yung natirang bantay ko kagabi.

Pinasama ko na kasi si Theron kay Ama pauwi dito sa resort, gusto ko kasing makapagpahinga siya ng maayos.

Wala naman kasing komportableng tulugan dun kundi yung kama ko lang saka yung sofa.

Nakaakbay sakin si Kuya papasok sa loob habang bitbit yung isang bag na may konting gamit ko.

Pagdating namin sa sala ay pinaupo muna ako ni Kuya bago siya nag-unat unat, ilang beses pa siyang humikab bago niya ako tinignan.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong niya at tinabihan ako sa upuan.

"Opo Kuya, kaso lang, di ko masyadong maitapak ng maayos yung paa ko kasi sumasakit pa ng kaunti." sagot ko naman.

"Ano ba kasing ginawa sayo nung babaeng yun? Tapos, nung dinala kana sa Hospital halos bugbugin na siya ni Theron---"

"ANO?!" parang nailabas ko na yata lahat ng boses ko dahil sa ginawa kong pagsigaw.

"Anak? Nandyan na pala kayo." sabay naman kaming napatingin ni Kuya sa hagdanan kung saan bumababa si Ina kasama si Ama.

Napatingin ulit ako kay Kuya kasi hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang halos manakit na si Theron dahil lang sa nangyare kahapon.

Grabe naman siya! Teka, nasan na nga pala yung tigreng yun? Ako ang bubugbog sa kanya.

"Anak? Saan ang punta mo?" dinig kong tanong ni Ina.

Hindi ako sumagot, sa halip ay paika-ika kong tinungo yung tapat ng kwarto ni Theron saka ko kinalampag yung pinto niya.

"THERON! LUMABAS KA DIYAN SA KULUNGAN MO! MAGTUTUOS TAYO!" sigaw ko.

"Verena? Anong ginagawa mo? Tulog pa yata yung tao." mahinahong sambit ni Ama.

"LUMABAS KA DIYAN!!!" hanggang sa unti-unti bumukas yung pinto niya.

Hindi ko maaninag yung loob kasi madilim at kaunti lang yung bukas nito.

"HOY LALAKE! LUMABAS KA DIYAN! KUNG HINDI PA NAGSALITA SI KUYA, HINDI KO PA MALALAMAN YUNG GINAWA MO!"

Nakahinga pa ako ng maluwag habang inaantay ang pagbubukas ng kwarto niya hanggang sa matulala ako sa nakita ko.

dO//////Ob

Wala na naman siyang suot pang-itaas! Tapos parang binugahan pa ng hangin yung buhok niya!

d>>_<<b

"Yes my love? What can I---" bago pa niya matapos yung sasabihin niya ay binatukan ko na siya.

"Aray! Ano na namang problema mo?! Kagigising ko lang tapos yan agad ibubungad mo saken?! Wala man lang bati-bati? Good morning kiss or hug? Batok talaga? Hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung ayos kalang ba? Kung nakatulog kaba ng maayos sa kama mo kahit na wala ako sa tabi mo? Kung ako ba yung laman ng panaginip mo?!" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon