K A B A N A T A - 28

2K 49 0
                                    

VERENA'S POV

"Naira, gising na." dumapa ako sa kama ko nang marinig ko ang boses ni Kuya.

"Gising na, may pupuntahan pa tayo." nagtalukbong ako ng kumot at pilit na natulog ulit.

"Ayaw mong gumising ah." sabi niya at ramdam kong umalis na siya sa kama ko.

Kaya nakahinga naman ako ng maluwag at bumalik ulit sa pagtulog.

Lumipas lang ang ilang minuto ay naramdaman kong may mainit na bagay na pumatong sa likuran ko.

Nakikiliti ako dahil sa maliliit na tumutusok sa likod ko.

Napadilat agad ako ng marinig ko ang tahol ng isang aso.

"Nai, Nik?" mahinang sabi ko saka dahan-dahang bumangon.

Sumalubong sila sakin at sila ang pumalit sa higaan ko.

"Inunahan kapa nung mga aso mo magising." komento ni Kuya kaya napahikab naman ako.

"Antok pa ako ih." sabi ko sabay higa ulit katabi nung dalawang aso.

"Verena, isa." bilang niya pero di ko yun pinansin.

"Dalawa, huwag mong paabutin ito hanggang tatlo. Babawiin ko yung aso---"

"Oo ito na! Babangon na!" inis na sabi ko saka tumayo sa kama.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay habang nakapikit.

Yung parang sasalubungin ko ng yakap si Kuya, ganon.

d- - ,b

"Ano na namang trip yan Verena," batid kong nakakunot na ang noo niya habang tinitignan ako.

"Buhat," sabi ko at nanatili sa ganun itsura.

"Ayoko---"

"Bilis na, ngayon lang naman eh." nakangusong sabi ko.

Napadilat ang isang mata ko at nakita kong lumapit sakin si Kuya para buhatin ako.

Hehe, miss ko na yung pagbuhat
sakin ni Kuya.

Pinulupot ko ang dalawa kong paa sa bewang niya at yung kamay ko naman sa batok niya.

"Ang bigat mo." komento niya pero di ko yun pinansin sa halip ay natulog ako ulit sa bisig niya.

-----

EARL'S POV

Binuhat ko na palabas ang isip bata kong kapatid at dinala sa kusina.

Namiss ko na din ang ganitong paglalambing niya sakin.

Naalala ko nung bata pa kami ay lagi siyang nagpapabuhat sakin, hanggang ngayon rin pala.

"Verena, bumaba kana." sabi ko pero di siya sumagot.

"Hoy! Sabi ko bumaba kana." napahinga nalang ako ng malalim nang mapansin kong tulog siya ulit.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon