K A B A N A T A - 40

1.8K 38 3
                                    

MAXSON'S POV

Mga hapon na nang makauwi ako galing school, pagdating ko sa harapan ng mansyon ay nakita ko yung isa naming Black Mercedes Luxury Van na nakaparada sa loob.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ito, sa pagkakaalam ko kasi ay nilalabas lang ito ni Dad kapag may malayo kaming pupuntahan.

Pinarada ko muna sa gilid yung sasakyan ko, saka pumasok sa loob. Sinamantala ko na ang pagkakataon kasi hindi naman nakasarado yung gate.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Daddy, kasama nung tatlong kaibigan ni Theron.

Hindi ko alam kung bakit nandito rin yung EX Girlfriend ni Theron na si Aviana, kailan pa siya naging welcome sa bahay na ito?

d- -b

Napansin ko din ang ilang bag na nakalapag sa center table, meron din sa sahig.

Tumikhim ako at sabay sabay naman silang napalingon sa pagdating ng gwapong nilalang.

"Maxson, nandyan kana pala. Tamang-tama at aalis na tayo." napaawang naman ang labi ko sa sinabi ni Dad.

"Where are we going? Kadarating ko palang, hindi pa ako nakakapagpahinga." bored kong sagot saka pumuntang kitchen para uminom ng tubig.

"Akala ko ba Ninong ay excited ka ng makita si Theron?" halos masamid naman ako sa sinabi ni Russ.

"What?! Ngayon na natin pupuntahan si Theron?!" halos pasigaw kong tanong.

Tumango naman silang lahat kaya biglang nawala ang nararamdaman kong pagod.

"Okay, wait, magbibihis lang---"

"No, huwag ka ng magbihis. Ganyan kana, meron naman akong pinadalang damit mo. Medyo matagal-tagal ang biyahe kaya dapat makaalis na tayo agad." pagputol ni Dad sa sasabihin ko sabay tingin sa wristwatch niya.

"Gosh! I want to see him na." maarteng sabi ni Aviana, nakasuot lang siya ng black crop top, saka black jeans.

Napangiwi nalang ako sa pagiging feeling close ng babaeng ito samin.

"Teka nga, bakit nga pala nandito itong babaeng yan?" tanong ko habang tinitignan siya.

"Ninong, nagpumilit sumama eh. Hindi ko nga alam kung kanino niya nalaman na pupuntahan na natin si Theron." sagot ni Neal saken.

"Damn! Sino pa ba ang madaldal sa ating tatlo?!" inis na tanong ni Timothy habang nakatingin kay Russ, mukhang siya ang pinaparinggan na madaldal.

Napanguso naman siya habang nakatingin ng masama kay Aviana.

"Ikaw kasi---"

"Tama na, baka abutan na tayo ng gabi sa pagtatalo niyo." wika ni Dad na nakapagpatigil sa pagsasagutan nilang tatlo.

Napakibit balikat nalang si Aviana saka naunang lumabas bitbit ang isang shoulder bag.

Sumunod nalang kami nila Dad, nakita ko namang sumakay sila Russ doon sa Van na nakaparada sa harap ng mansyon.

Kaya naman pala.

d- -b

Nahuling pumasok si Daddy kasi kinausap niya pa ang ilang katulong, siguro ay binilin lang ng maayos yung mansyon.

Umupo ako sa pinakadulong upuan, katabi ko naman si Timothy na ngayon ay parang clown sa lapad ng ngiti niya.

Si Daddy naman ang nakaupo sa harapan ko, katabi niya si Neal.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon