K A B A N A T A - 64

1.5K 41 0
                                    

VERENA'S POV

After a month...

"Babe, ang taba mo na." pangangasar sa kanya ni Kuya habang hinahawakan nito ang kamay niya.

"Earl, kalansay ka na." pabalik na asar sa kanya ni Ate Gia.

Apat na buwang buntis na din kasi si Ate kaya medyo halata na ang pag-umbok ng kanyang tiyan.

Hanggang ngayon ay mahilig parin siya sa saging, kung hindi pa sakin ipapaliwanag ni Kuya kung bakit ang hilig ni Ate sa saging ay hindi ko malalamang naglilihi pala siya nun.

Akala ko pa naman, bawat buntis ay mahilig sa saging. Ang epic talaga ng isipan ko.

d-_-b

Pagkatapos kasi naming magbakasyon ng ilang linggo sa Isabela ay agad din kaming bumalik ni Jarrett dito.

Sa bahay rin ng kanyang Tito siya nanuluyan, habang ako naman ay dumiretso dito sa bago naming bahay.

Sila Tita Martina naman ay nanuluyan sa bahay nung kapatid niya na Papa ni Gab.

"Aira? I thought ngayon na yung shooting niyo? Bakit hindi ka parin nag-aayos diyan?" tanong ni Ate sakin.

"Tinatamad ako—-"

"Gusto mong bawiin ko sayo yung binigay kong Pomeranian—-"

"Oo ito na, mag-aayos na." pagpuputol ko sa sasabihin ni Kuya.

Natatakot kasi ako na baka bawiin niya lahat sakin yung mga asong binigay niya.

Yung dalawang chihuahua ko na si Nai at Nik, at ang pangatlo kong aso na si Molly, bigay yun sakin ni Kuya isang linggo palang ang nakakalipas.

Advance gift na raw niya sakin para sa malakihang photoshoot na gaganapin ngayong araw.

"Anak ng..." halos mabitawan ko yung hawak kong lense ng camera ng biglang nagring yung cellphone ko.

Sinagot ko yun ng hindi tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Hello? Alam mo bang halos mabasag na yung lense ng camera ko dahil sa biglaang pagtawag mo!" bungad kong sabi dun sa tumawag saken.

"At alam mo din bang kanina pa naiinip yung mga models dito? Ano Verena? May balak ka bang tapusin itong project?" napatakip ako saking bibig ng marinig ko ang sinabi ni Gab.

"ANO?! AKALA KO BA MAMAYANG HAPON PA YUNG SHOOTING?! TAPOS NGAYON, SASABIHIN NIYONG NAIINIP NA SILA?!" sigaw ko.

"Wala tayong magagawa, order ni Tita at nung mga Directors na imomove yung schedule," malumanay niyang sagot saka ako binabaan ng tawag.

Talaga naman oh!

Nagmadali akong mag-ayos ng aking sarili. Nagsuot na lang ako ng black pants at pinares dun ang white spaghetti strap loose cami top.

Mabuti nalang at nakalagay na sa maayos na lalagyan ang mga gagamitin ko sa shoot kaya bibitbitin ko nalang.

"Goodluck Aira!" sabi ni Ate at nginitian ko naman siya.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon