K A B A N A T A - 24

2.1K 55 2
                                    

MAXSON'S POV

Nandito kami ngayon sa favorite barbershop ni Dad, Felipe and Sons sa Makati.

Biruin niyo, mula Quezon City bumiyahe pa kami hanggang Makati para makapag-pagupit lang.

Halos ayaw pa ngang sumama ni Dad kanina saken, mabuti nalang at napilit ko siya.

I just doing this for Dad. Gusto ko munang pasayahin siya kahit pansamantala lang.

Naging abala na kasi siya sa paghahanap kay Theron, lampas one week na pero walang nangyayare sa investigation ng mga Pulis.

Hindi na minsan nakakapasok si Dad sa kanyang work dahil dito sa aming ginagawa.

Pero syempre, nandun naman ang kanyang Secretary para pansamantalang gumawa sa mga paperworks na dapat si Dad ang gumagawa.

Ano pang purpose niya kung hindi niya tutulungan si Dad diba?

Kaya ko siya naisipang dalhin dito kasi napansin kong humahaba na parehas ang buhok niya sa ulo kasama nung kanyang balbas.

Nagmumukha na tuloy siyang matanda.

"Mr. Lennox, it's your turn." nakangiting sabi nung laging gumugupit kay Dad.

Binaba na niya yung binabasa niyang newspaper saka nagtungo sa swivel chair na uupuan niya.

"Anong klaseng gupit---" naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Dad.

"Fringe haircut." nakangising sagot niya.

"Oww, right. I forgot. Haha!" napailing nalang si Dad dahil sa kanya.

Sinuot na sa kanya yung hair cutting gown cape at nagsimula na siyang gupitan.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan si Dad.

Do I look crazy?

Dinampot ko agad yung isang magazine saka nagkunwaring magbasa.

Pero nabitawan ko yun ng makita ko kung anong klaseng magazine yung nakuha ko.

IT'S AN FHM MAGAZINE! HOLYSH*T!

Binaba ko yun saka huminga ng malalim, kailangan ko lang pakalmahin sarili ko.

Tumayo muna ako saka nagtungo sa CR, sa kakamadali ko maglakad bigla nalang akong nabangga ng isang tao.

"S-sorry," sabay na sabi namin at nagkatinginan sa isa't isa.

dO___Ob

Not now, please.

Pakiramdam ko tumakbo ako ng 50 kilometers dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

Tumigil ang pag ikot ng paligid ko, parang siya lang ang tanging taong nakikita ng mga mata ko.

"Ahhmm, excuse me." nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya at tuluyan akong talikuran.

Nanuot pa sa ilong ko ang pabango niya, para akong nahypnotize.

Nahilamos ko ang aking mga palad sa mukha at naglakad na ng tuluyan papuntang CR.

Napasandal pa ako sa pinto habang nakatitig sa salamin.

Why did I felt that fucking thing! Ugghh! Stop Maxson!

d>>_<<b

Hindi mawala wala sa isipan ko kung gaano siya kagandang babae.

Ang pagiging matangkad niya, yung payat niyang katawan, ang maamo niyang mukha.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon