K A B A N A T A - 58

1.6K 33 2
                                    

VERENA'S POV

Bigla kong naalala si Nai at Nik nang makita ko ang isang K-9 dito sa airport. Sinama na kasi nila Ama yung aso ko, kasi hindi na saken pinadala ni Kuya.

Makikita ko nalang daw ulit sila kung uuwi na ako dito sa bansa.

Nakahilig lang ang ulo ko sa balikat ni Kuya habang inaantay yung oras ng flight namin patungong Italy.

"Akala ko, sasama kana dun kanina kay Theron," dinig kong sabi ni Kuya na ngayon ay nilalaro ang daliri ko.

"Bakit naman ako sasama sa kanya?"

"Kasi, nakita ko kung paano mo siya pagtakpan doon sa mga gwardya kanina."

"Hindi naman porket ginawa ko yun ay sasama na ako sa kanya. Bakit? May dahilan paba ako para bumalik sa kanya?" natahimik si Kuya sa sinabi ko.

"Sorry, bunso," wika niya sabay halik saking ulo.

"Ako dapat ang humingi ng tawad sayo Kuya,"

"Kung hindi ko lang pinilit na umamin sayo si Theron, hindi nangyare ang lahat ng ito. Hindi masasaktan ang babaeng unang minahal ko, dapat sariwa pa yung puso mo hanggang ngayon, kaso... wala eh. Ganito yung nangayare," sarkastikong sabi niya.

"Ayos na yun Kuya, dapat nga, magpasalamat pa ako sayo eh."

"Bakit naman?" natatawang tanong niya.

"Kung hindi nangyare ang lahat ng ito, hindi ako matututong magmahal, hindi ko mararanasang masaktan ng emosyonal, at hindi rin ako makakaramdam ng galit na kahit kailan ay hindi ko pa nagawa."

"Ano bang natutunan mo sa nangyare?"

Napaisip naman ako bigla sa tanong niya, ano nga bang natutunan ko?

"Nalaman ko na, ang pag-ibig ay parang isang malalim na parte ng dagat, kung saan kapag nahulog ka dito lalo na't hindi ka marunong lumangoy, mahihirapan ka ng makaahon muli." sagot ko at ako mismo ay natulala sa sagot ko.

Ako ba talaga yung nagsalita?

d?/////?b

"Dalaga na nga talaga yung isip bata kong kapatid," nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog yung mga speaker na nakakabit sa paligid.

"Passengers of Air flight 493 bound for Italy, please proceed to departure area." boses ng isang babae yung nagsalita kaya agad namang napatayo si Kuya.

Hila-hila ko yung maleta ko, habang si Kuya naman ay bitbit ang mga bag na dala niya. Dumaan pa kami sa kung anu-anong scanner, at madami pang finill-up si Kuya na papel bago kami tuluyang nakapunta sa Immigration.

Hinanap pa namin kung saan yung gate number, at nag-antay pa kami ng ilang oras yata o minuto para sa boarding at tuluyan na kaming makapunta sa plane entrance.

Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng eroplano, at makaupo na ng maayos. Binuksan ko yung bintana para tanawin sandali yung malawak na lugar na ito.

Ito na Verena, ito na ang huling tapak mo sa Pilipinas. Sulitin mo na.

"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggageunderneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon