K A B A N A T A - 09

2.8K 66 0
                                    

THERON'S POV

Habang naghihintay kami sa pagdating nung babaeng yun, inenterview pa ako nung mga magulang niya.

"Iho? Ano nga palang pangalan mo?" tanong nung Mommy niya saken.

"T-theron Lennox." sagot ko

Tumango tango pa yung Daddy niya sakin saka siya naman ang nagtanong.

"Iho, ilang taon kana?"

"17 yrs. old."

"Saan ka nakatira? Paano ka napadpad dito sa aming probinsya?" takang tanong nung mommy niya.

Fuck! Wala bang katapusan yung pagtatanong nila saken.

Napabuntong hininga ako saka nagsimulang magkwento.

"In fact, I really don't know kung paano ako nakarating dito---"

"Ina! Ama! Narito na po ako!" sigaw nung mataray nilang anak

Ayan na ang bruha.

Nang tuluyan siyang makapasok sa kusina nila, nagtagpo ang tingin naming dalawa.

Habang siya ay masama parin ang awra.

Bakit ba ang init ng dugo ng babaeng ito? Tapos sasabihin nilang mabait siya?

"Anak, ilipat mo na yan sa palangganita. Para makakain na siya." utos sa kanya nung Mommy niya.

Kaagad naman niya iyong sinunod saka nilapag sa harapan ko.

"Ayan na po mahal na hari." sabi niya saka inirapan ako.

"Tss." react ko sabay kumuha na ng kanin.

Ako nalang pala yung kakain, kasi tapos na silang lahat.

Hindi ko bet yung pagkain nila dito! Ganito ba sila kahirap? Ugghh!

"Ina, kukunin ko lang po yung bag ko sa loob. Papasok na po ako." sabi nung babae saka pumasok sa kwarto niya.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain, hanggang sa mangalahati na ako ng biglang pumasok ang isang lalaki.

Pinagmasdan ko siya at narealize ko na...ang panget niya! Mukha siyang magsasaka!

Nginitian siya nung mga magulang nung babae.

Sumama bigla ang awra ko kaya napatayo ako at takang tumingin saken yung lalaki.

"Magandang tanghali po, hinihintay ko lang po si Verena. Sabay na po kaming papasok." sabi niya saka bumaling ulit ng tingin saken.

"Ah, upo ka Jarrett. Kinukuha lang niya yung kanyang bag." sagot nung Mommy ni----huh?

V-verena? Bakit, ang gan----shit! Ampanget nung pangalan niya!

"Ah kung ayos lang po sa inyong magtanong ako, sino po siya?" tanong niya saka tinuro ako.

Sumalubong ang kilay ko saka naglakad patungo sa kwarto ni Verena.

Nice! Alam ko na sa wakas pangalan nung babaeng yun. Nakakasawa na siyang tawaging babae, mukha naman siyang lalake!

"Ah, mahabang kwento---" naputol ang sasabihin nung Mommy ni Verena ng biglang bumukas ang pinto at humampas sa likod ko yun.

Kasabay nun ang pagbagsak ko sa sahig.

"Aarrgghh!" napasigaw nalang ako ng biglang kumirot ulit yung tuhod at sikmura ko.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon