K A B A N A T A - 71

1.6K 36 0
                                    

VERENA'S POV

"Sigurado kana ba diyan? Wala ng bawian hah? Walang iiyak-iyak sa harapan ko kapag sinaktan kana naman niya." seryosong sabi ni Kuya saken.

Kausap ko kasi siya ngayon sa laptop, nagvivideo call kaming dalawa dito sa loob ng kwarto ko.

Sinabi ko na kasi sa kanya na si Theron na talaga ang pinipili ko, hindi naman pwedeng lokohin ko ang sarili kong nararamdaman diba?

Ayaw ko mang saktan si Gab at Jarrett, wala eh, yun talaga ang katotohanan na kailangan nilang tanggapin.

Kaya, mamaya o bukas ay kakausapin ko silang dalawa ng masinsinan at para maintindihan din nilang dalawa yung desisyon ko.

"Opo Kuya, sigurado na ako. Saka, halata naman na kung sino talaga ang gusto ko." nakayukong sagot ko.

"Sige, dun nalang din ako sa gusto mo. Pero basta, tandaan mo, sa oras na naulit ang ginawa niya sayo, wag kang magdalawang isip na iwanan na siya ng tuluyan." wika pa niya.

Napangiti naman ako saka tumingin ng diretso sa kanya, mabuti nalang talaga at may Kuya akong nakakaintindi saken.

"Salamat Kuya, I love you." masuyong sabi ko na nakapagpangiti sa kanya.

"I love you too bunso, sige na, sa sunod nalang. Baka magising kasi yung Ate mong saksakan ng sungit." natatawang sabi niya.

Tumango naman ako saka pinatay ang tawag ko sa kanya.

Pabagsak naman akong humiga ng kama saka nakipagtitigan sa kisame.

Sa wakas ay nasabi ko na kay Kuya ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko, kahit papano ay nabawasan ang mga iniisip ko.

Maya-maya pa ay biglang nagring yung cellphone ko, tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Gab.

"Hello Gab?"

[ Hello my queen! ] masiglang bati niya na nakapag-palungkot saken.

"B-bakit ka n-napatawag?"

[ Yayayain sana kitang lumabas, kung gusto mo lang naman. ] sagot niya.

"Ah, ganun ba? Sige, saan tayo magkiki—-"

[ No, ako na yung susundo sayo diyan. Just wait for me, mag-ayos kana hah? ]

"Sige." sabi ko saka binaba ang tawag niya.

Bakit biglaan naman yata yung pag-aya niya saken lumabas? Hapon na ah.

Napabuntong hininga nalang ako saka naghanap agad ng pwedeng masuot na damit.

Nagsuot nalang ako ng floral dress at flat shoes para maging komportable akong gumalaw-galaw.

——-

Ilang minuto lang akong nag-antay sa may sala at dumating na si Gab na nakasuot lang ng polo shirt at fitted jeans.

"Hello po Tita, Tito." bati ni Gab kina Mama at Papa.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon