K A B A N A T A - 20

2.3K 52 0
                                    

VERENA'S POV

Medyo hapon na din kami nakabalik nung lalaking yon sa bahay, kasi nagpatila pa kami ng ulan.

Kaya ayun, pagdating namin sa bahay putik putik na yung binti namin kasi lupa yung iba naming dinaanan.

Kanina halos mapautot na ako sa kakapigil ko ng tawa, paano ba naman kasi lumubog ang kaliwang paa ni Theron sa putikan kanina.

Mangiyak-ngiyak na siya kasi hindi niya yun mahugot pabalik.

Tapos sigaw siya ng sigaw na may uod na daw na gumagapang sa paa niya.

Biniro ko pa nga siya ulit kanina eh, sabi ko iiwanan ko siya ulit dun, bahala siyang magtanggal ng sarili niyang paa.

Pero dahil mabait naman akong bata, tinulungan ko na siyang makaalis doon. Nakakaawa naman kasi.

"Naku! Kayong mga bata talaga, saan saan kayo nagpupupunta kaya yan ang napapala niyo." bungad na sermon samin ni Ina.

"Si Theron kasi Ina ang may kasalanan kung bakit kami ganito kadungis ngayon." sumbong ko at sumama naman ang tingin niya saken.

"What?! Ikaw ang may kasalanan! Ang sabi mo doon tayo sa kabilang daan maglakad, yun pala puro lupa doon! Kaya tayo naputikan ay dahil yun sayo!" pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

"Hah?! Ang arte mo kasing tao! Parang kanina lang may payakap-yakap kapa tapos yun naman pala hahawaan mo lang ako ng---" naputol ang sasabihin ko ng mapagtanto kong nakatingin na pala ngayon sakin si Ina.

Ayan! Nadulas kana Bere!

Napayuko nalang ako dahil sa nararamdaman kong hiya.

"Anong yakap? Anong sinasabi mo anak?" nagtatakang tanong sakin ni Ina.

Umubo naman kunwari si Theron dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ngingisi-ngisi siya ngayon habang nakatingin saken.

"Sinno, ang sabi niya---" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Ama na may bitbit na basket.

"Nakabili na ako ng suso at tahong kay Manong Tersio. Kakagaling lang nila sa pangingisda kaya sariwa pa ang mga ito." nakangiting sabi niya at nilapag niya iyon sa may lamesa.

Sumunod naman si Ina sa kanya para tulungan itong linisin.

Waahhh! Paniguradong masarap mamaya ang uulamin namin! Ewan ko lang sa isang tigre diyan, baka madiri na naman siya.

Subukan niya lang at ipapakain ko na sa kanya yung tae ng kalabaw.

"Gusto ko na mag-shower." sabi niya sabay ngumiti ng nakakaloko sakin.

"Anong gagawin ko? Papaliguan kita?" taas kilay kong tanong pero lalo lang siyang sinapian ng masamang espiritu.

"If you want too," tatango tango pa siya saka tumayo at nilahad niya ang kamay niya saken.

d=_=b

"Ano?"

"Let's go."

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon