K A B A N A T A - 56 (ILOCOS NORTE)

1.7K 41 1
                                    

VERENA'S POV

Pagdating ko sa tabing dagat ay napagpasyahan kong maupo muna sa buhanginan habang pinapanood ang paghampas ng alon sa pampang.

Kitang-kita ang anino ng buwan at mga bituin sa may tubig. Napapikit naman ako ng maramdaman kong hinahawi ng hangin ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.

Kahit papaano ay naramdaman kong may kasama ako sa mga oras na ito.

"Theron, minahal naman kita diba? Sinubukan ko namang gawin kung ano yung nararapat, pero bakit ganito?" habang nagsasalita ako ay parang binibiyak ang dibdib ko.

Buong buhay ko ay hindi ako nagmahal ng ganito, hindi ko rin naranasang mahalin ng isang lalake.

At lalong-lalo na hindi pa ako nasaktan ng ganito. Kakaiba at bago saking pakiramdam.

Hindi naman ako kasing ganda ng ibang babae na nakikita at nakasama na niya.

Wala akong maipagmamalaki sa kanya kasi para siyang isang langit na ang hirap abutin, pero sa isang iglap bumagsak siya ng tuluyan sa akin.

"Pwede mo namang sabihin na...hindi kita mapaligaya diba? Pwede mo namang sabihin na ayaw mo talaga saken. Pero bakit kailangan mo akong saktan sa ganitong paraan?! Tang ina! Hindi ko naihanda ang sarili ko!" napahagulgol na ako ng iyak kasabay nun ang lalong paglakas ng hangin.

Hindi ako palamurang tao, pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, mukhang mag-iiba ang pagkatao ko.

Kung dati ay puno lang ng pangarap ang buhay ko, puro kasiyahan at kalokohan lang ang ginagawa ko, nag-iba lahat simula ng dumating ang isang lalaking tulad niya sa buhay ko.

Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam kung saan ko ibubuntong ang inis at galit na nararamdaman ko.

Kaya dumampot ako ng buhangin at hinagis yun sa kung saan.

"DAPAT HINDI NALANG KITA NAKILALA!" sigaw ko sabay bato ulit ng buhangin na tuluyang tinatangay ng hangin.

"SANA YUNG SAKIT NA PINADAMA MO AY PARANG BUHANGIN NA KAPAG TINAPON MO, MAGLALAHO AGAD!" nananakit na yung lalamunan ko kakasigaw.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig na nararamdaman ng katawan ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na binalikan ang mga araw at oras na nakasama ko siya.

Yung mga panahong ngumingiti ako ng dahil sa mga kalokohan niya sa buhay na natutunan ko na.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan ko na gagawin niya saken ito, kasi yung mga ginagawa niya natatabunan ng puro pangako.

Kaya ayaw kong mangako kase alam ko mismo sa sarili ko na baka hindi ko ito matupad.

Mabuti nalang talaga at hindi ako nangako sa kanya na hindi ko siya iiwanan, kase paniguradong panghahawakan niya yung bibitawan kong salita.

Naalala ko pa kung paano siya mainis sa tuwing magkasama kami ni Jarrett, sa kung paano siya matulala habang kinakausap ko siya.

Sana, hindi kalang napilitang gawin ang lahat ng ito Theron.

"V-verena!" napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang boses na yun.

"Theron?" sa gulat ko ay napatayo agad ako sa pagkakaupo ko.

Nakita ko siya na dahang-dahang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko at may suot siyang jacket na pamilyar saken.

Hinintay ko lang na makalapit siya bago ako nagsalita.

My Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon