NUEVE

200 16 31
                                    

"Alam mo, sobra akong nabibilib sa'yo."

Napalunok naman ako ng sobrang tigas nang marinig iyon mula kay Chad. Seriously? Saang parte siya nabibilib sa'kin? Eh halos hindi nga ako nabibilib sa sarili ko.

Tumaas naman bigla ang kilay ko bago magsalita, "T-tungkol saan?" Kinakabahang tanong ko.

Nakita ko ang pag-ayos ng upo ni Chad at saka tumingin sa akin ng mariin na naging dahilan para magkarera nanaman ang puso ko, "Naaalala mo noong gusto mong i-sacrifice yung sarili mo para sa'min laban sa mga baliw na humahabol sa atin nung nakaraan? That's the time when I trully admire you." Asik niya pa.

Totoo? Talagang humanga at bumilib ang pagpapakitang-gilas ko kay Chad? Omo! Halos hindi ako makahinga at pakiramdam ko eh sobra na akong namumula ngayon!

Akmang magsasalita pa sana ako ngunit nakita ko ang pagtawa niya ng bahagya. Huh? Anong nakakatawa?

"You're blushing..." Saad niya pa na naging dahilan para mapahawak ako sa aking dalawang pisngi at manlaki ang aking mga mata. Hala! Putakte! Sobra bang namumula ako?

Nako! Patay na! Hindi pupwedeng mahalata ni Chad na namumula ako sa kilig. Jusko naman!

"A-ako? Namumula? Sus! B-baka naiinitan lang ako." Pilit akong ngumingiti ngunit talagang pilit lang talaga. Sobrang pilit. Ang laking kahihiyan 'to Kelly! Todo ang paghawak ko sa aking magkabilang pisngi habang pinapaypay ng aking mga kamay ang aking sarili.

Sa pagngiti ni Chad ay parang mistulan akong ice cream na matutunaw. Ang mga naniningkit niyang mga mata at ang dimples niyang sobrang lalim ay para talagang isang patibong na kahit kailan ay gusto ko nalang mahulog. Shemay!

"Don't worry, I won't assume kasi alam kong pagmamay-ari ka ng pinsan ko dati ang besides, I like someone else."

Parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang marinig ang salitang 'I like someone else'. Shocks! Si Keith ba ang tinutukoy niya? Grabe! Parang madudurog nalang basta-basta itong puso ko sa sobrang pagiging broken hearted! Hay. Huhu.

Sa kalagitnaan ng pagkalungkot ng aking mukha ay kasabay nito ay ang paggulo ni Chad sa buhok ko. Ano, aso lang?

"Let's go? Baka may makakita pa sa'tin dito at baka mapagkamalang may namamagitan sa'ting dalawa." Tumatawa siya pero bakit ako eh parang hindi natutuwa sa mga sinasabi niya? Hay. Sobrang sakit talaga!

Tsaka ayaw niya bang ma-issue kaming dalawa? Eh samantalang ako, gustong-gusto ko ngang ma-issue kami. Hay! Keme!

Siguro nga ay talagang si Keith ang tinutukoy niya. Sa bawat tingin at pag-aalala niya palang kay Keith ay talagang makikita mong in love siya eh. Nakakalungkot talaga, sobra.

Tumango na lang ako kay Chad at saka tumayo na upang sundan siya. Ngunit sa aking pagsunod ay biglang bumagsak ang matinding paglakas ng ulan na naging dahilan para mapatulala ako at mapatakbo.

"Kelly! Tara na! Maghanap tayo ng puno!" Saad niya sa akin. Halos wala akong makita dahil sa sobrang kapal ng mga tubig na bumabagsak. Pilit kong tinatakpan ang aking sarili ngunit basang-basa na talaga ako.

Dahil sa sobrang pagkatulala ko ay para akong naestatwa nang...

Hawakan ni Chad ang kamay ko!

"Tara na! Ano pa bang tinatayo-tayo mo dyan?" Saad nito at parang daig ko pa talaga ang kumain ng sili dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Shemay. #ThisIsLove

Kahit alam kong namumula na ako ay alam ko rin naman na hindi iyon mahahalata ni Chad dahil sa sobrang kapal ng tubig na dumadaloy sa daanan namin. Sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak sa'king kamay at parang ayaw niya nang makawala pa ako. This feeling! Sobrang tumataas ang dugo ko sa sobrang pagkakilig!

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now