"Letter S, motherfucker."
Tila ba'y tumigil ang mundo ko nang marinig ang matapang at malamig na boses na iyon. Kaagad ring tinanggal ni Salazar ang matulis na bagay sa aking mata ngunit ramdam ko ang pamumula at hapdi nito. Mabuti na lamang at hindi ito tuluyang tumagos sa aking utak.
"Hey, son!" Masayang tugon ni Salazar. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa galak, at sa aking pagmulat ay nagbu-blurred na ang aking paningin at...hindi na makakita ng tuluyan ang aking kaliwang mata.
"C-chad? Chad!!!" Sigaw ako ng sigaw ngunit alam kong namamaos na ako. Ligtas na ako at alam kong ililigtas nila ako!
"Itali mo yan." Dinig kong utas ni Chad sa kabilang banda at nang tingnan ko ang sino mang inutusan niya ay laking pasasalamat ko nang si Sebastian iyon.
"You can't do this to me Son--"
"Hindi mo ako anak!"
Nakita ko ang sunod-sunod na pagsuntok ni Chad kay Salazar at ikinagulat ko naman iyon. Maya-maya ay pinigilan din siya ni Sebastian sa kanyang walanghumpay na pagsuntok sa mukha ni Salazar.
Nag-usap ng ilang segundo sina Chad at Sebastian ngunit hindi ko narinig kaagad ang pinag-usapan nila. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kaagarang presensya ni Chad sa gilid ko.
"K-kelly. Kelly!" Tawag nito at napahagulgol nalang ako bigla.
"C-chad? Chad? Walang makita ang kaliwa kong mata! T-tulungan mo ako."
"You're fine. You are safe now. Shh, nandito na ako."
Sa mga salitang iyon ay patuloy kong minamahal si Chad. Patuloy niyang pinaparamdam sa akin na talagang mahal niya ako at hindi niya ako pababayaan. He's my saviour, my everything, and my life.
Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagluwag ng mga kamay at paa ko,
"Can you stand?" Tanong sa akin nito kung kaya't dahan-dahan akong umupo at inalalayan naman ako ni Chad. Kahit na hirap ako sa paglalakad ay talagang inaalalayan niya ako sa aking pagtayo.Nang makatayo na ako ng tuluyan ay kasunod nito ang pagyakap ko ng mahigpit kay Chad at saka humagulgol ng husto, "F-forgive me." Tugon ko at saka ko naman naramdaman ang paghimas niya sa aking buhok.
"Shh. That's okay. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo, dahil in the first place, I lied to you." Bulong niya pa.
"Uhh. Napaka-sweet naman!" Pang-aasar pa ni Salazar sa aming likuran at tinitigan ko lang siya ng masama. Nagulat ako nang suntukin siya ni Sebastian sa pisngi ng napakalakas.
Nakatali ang magkabilang kamay ni Salazar sa kahoy na upuan maski na rin ang kanyang mga paa. Nakakaawa ang kanyang kalagayan ngayon ngunit alam ko sa sarili ko na kulang pa ang lahat ng ito sa kawalang-hiyaang ginawa niya.
"M-may pupuntahan lang ako." Tugon ko kay Chad ngunit nakatitig lang ito sa akin na may halong pagtataka.
"Saan?" Tanong niya at saka naman ako tumingin sa malaking cabinet ni Crisanto, "Sasamahan na kita." Utas pa nito at mukha namang alam niya na kung ano ang tinutukoy ko.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang hayaan nalang si Chad na sundan ako. Inaalalayan niya pa ako at natutuwa naman ako doon. Kahit kailan ay hindi niya talaga kayang pabayaan nalang ako dito.
"Bantayan mo yan." Utas ni Chad kay Sebastian at nakita ko naman ang pagtango nito. Akmang papasok na sana kami sa loob ng cabinet ngunit bigla akong tinawag ni Sebastian na naging dahilan para mapalingon ako.
"Suotin mo ito." Napatingin ako sa hawak-hawak ni Sebastian na inilabas niya sa kanyang bulsa. Isang pulang scarf, "Ilagay mo yan sa mata mo para hindi ma-infect." Tugon pa nito at kaagad ko rin namang kinuha ang panyong iyon.
YOU ARE READING
Virtual Asylum [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKelly Salcedo-A fourth-year college student from University of the East and went to a specific game of virtual reality to achieve her dreams and graduated as Bachelor of Psychology (Honours) together with her classmates. Her life was full of misera...