Ngayong araw ay nasisigurado kong sobrang ganda ng gising ko. Bukod sa pagngiti ko ng bonggang-bongga, ay talagang bumungad sa akin ang magandang pagsilaw ni haring araw.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa araw ko ngayon matapos akong halikan ni Chad kagabi. Wahhh! Kyah! Hindi pa rin ako makapaniwala na crush rin ako ng crush ko! Uwu!
Napaupo ako sa hinihigaan kong sahig at ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko. Emeged! Ibang level na'to!!
Sa aking pag-unat ay pansin kong wala nanaman ang lahat. Feeling ko ang aga pa ah? Bakit wala na kaagad sila? Iniwan nanaman nila ako? Jusko naman! At syempre, una kong hinanap 'yung Chad ko, pero sa kasamaang-palad ay wala rin siya dito.
Ilang saglit pa ay nakita ko na may letter na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Hmm. Kanino naman kaya galing 'to?
Dali-dali kong binuksan ang letter na iyon at kasabay nito ang hindi ko maiwasang pagkakilig. Oh my gosh Chad! Why are you doing this to me? Charot!
Dear Kelly,
Sa oras na magising ka ay basahin mo kaagad ito. Magkita tayo sa gitna ng kagubatan kung nasaan ang suicide machine. Aasahan kita doon.
Nagmamahal,
ChadAng aking pagngiti ay napalitan ng kalungkutan nang mabasa ang sulat na iyon. Akala ko pa naman ay matutuwa ako sa letter na iyon pero hindi rin pala.
So talagang totoo pala 'yung binabalak nilang umalis kami dito sa loob ng Asylum? Hay naman. Kung kelan nag-uumpisa pa lang kaming gustuhin ni Chad ang isa't-isa, doon pa talaga pumasok ang ideya nilang lilisanin na namin ang Virtual Asylum.
Kaagad kong inayos ang aking sarili. Nag-toothbrush at naghilamos na lang ako dahil sa pakiramdam ko ay kanina pa nila ako hinihintay doon sa gitna ng gubat.
Habang abala ako sa pagsusuklay ng aking buhok, ay napansin ko naman na nandirito pa rin ang mga gamit nila. Huh? Akala ko ba ay aalis na kami pero bakit may ibang gamit pa na nandirito?
Hmm. Siguro ay naisip nila na sa oras na umuwi naman na kami sa totoong buhay ay may gamit naman kaming nandoroon kung kaya't para hindi na rin sagabal pa.
Akalain mo 'yun, sa tagal naming nandirito eh ngayon lang talaga nila naisip ang bagay na iyan? Ooft!
Sa aking kalungkutan ay kaagad kong inayos ang higaan ko sa sahig at saka ipinasok ito sa ilalim ng bag ko. Ang tanging bagay na kinuha ko lamang ay ang diary ni Robert, ang kwintas ni Anna, at ang letter ni Crisanto.
Naalala ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pala nalulutas ang problema ko sa kanilang tatlo.
Nang matapos kong ayusin ang aking sarili ay dali-dali naman akong nagtungo sa pinakagitna ng gubat kung saan ay naroroon ang suicide machine.
Sobrang hingal na hingal ako nang makarating ako dito ngunit parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang...
Mapagtantong wala sila dito.
Huh? Eh nasaan sila?! Nanggo-good time lang ba si Chad? Oh shit! Mapapahamak nanaman ako nito!
Napailing na lamang ako at saka ko kinagat ang ilalim ng aking labi dahil sa sobrang kaba. Bakit naman ganito ang panggu-good time nila? Dinadala ba nila ako sa kapahamakan? Jusmiyo!
Sa aking pagtayo sa gitna ay isa-isa kong tiningnan ang suicide machine pero wala talagang tao ang nakahiga doon. Imposible namang mauna sila dahil nandirito pa ako. Tsaka alam kong hindi naman ako hahayaan nila Candy, Josh at Chad na maiwan nalang basta-basta dito sa Asylum. Diba?
YOU ARE READING
Virtual Asylum [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKelly Salcedo-A fourth-year college student from University of the East and went to a specific game of virtual reality to achieve her dreams and graduated as Bachelor of Psychology (Honours) together with her classmates. Her life was full of misera...