TREINTA y DOS

129 12 6
                                    

Magmula nang mawala si Ken ay pakiramdam ko, nasayang lang ang lahat ng pagod at hirap namin para mapaamin lang siya. Ang pagkulong namin sa kanya, ang pangungulila niya, at higit pa doon ay ang nagpapatunay na alam niya talaga kung sino ang pumapatay.

Malakas talaga ang kutob ko sa kung sino ang pumapatay sa mga kasamahan namin. Alam kong sobrang unfair nito lalo na't gusto kong maaksyunan ang bagay na'to ng ako lang at hindi kasama ang iba...lalo na si Chad.

Matapos naming ilibing si Ken ay nananatili pa rin kaming apat na nandirito sa gubat kung saan ay inililibing namin ang iba pa naming mga kasama.

Nang tuluyan ng maglagay si Sebastian ng cross sa lupa kung saan nakalibing si Ken, ay bigla nanamang bumuhos ang mga luha ko sa aking mga mata.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mauubos na kami ng ganito ng wala pang napapatunayan. Ilang linggo nalang ang nagdadaan at matatapos na ang misyon na ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito nareresolba.

Ikinuyom ko ang aking kamao sa tindi ng galit at pighati. Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit ko pa pinatakasi si Ken kung alam ko rin namang mamamatay siya kaagad.

"Nakakapagtaka..."

Narinig ko bigla ang boses n Sebastian na ngayon ay katabi ko lang. Katatapos niya lang kasing ilagay ang cross na gawa sa kahoy sa lupa at ngayon ay pinapagpag niya na ang kanyang mga palad.

Tumingin ako kay Sebastian ng walang emosyon ngunit marahil ay alam niya na hinihintay ko ang muli niyang sasabihin.

Nakita ko ang pag-iisip ni Sebastian ng malalim at saka niya hinawakan ang kanyang baba.

"Nakakapagtaka lang talaga. Kasi ilang metro na ang layo ni Ken sa atin at hindi na iyon maaabot ng mga baril natin ngunit...ngunit nabaril pa rin siya."

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Sebastian. Tama siya. Kung malayo na si Ken sa amin kanina habang siya ay tumatakbo, ay hindi na iyon maaabot ng distansya ng mga bala namin!

Hindi kaya...

"Anong nangyari dito?!"

Napagitla ako at muling bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Josh mula sa likuran namin. Napalingon ako sa kanya at mas lalo pa akong naestatwa nang makita si Lachlan sa kanyang likuran.

Ilang segundo ko silang tinitigan at kitang-kita sa mukha ni Josh ang bakas ng pagkangiti nang salubungin niya kami.

Agad ko silang hinarap at saka nagsalita, "At nagagawa mo pang ngumiti ng ganyan matapos mamatay ni Ken?"

Kitang-kita ko ang pagpapalit ng emosyon ni Josh na ngayon ay malungkot na. Nang madaplisan ng aking tingin si Candy ay mukha naman itong nag-aalala sa sinabi ko.

Huminga ako ng malalim at saka muling nagsalita, "At saan kayo nanggaling?" Taas-noo kong pagsaad sa kanilang dalawa at kitang-kita ko sa kanilang mga emosyon ang labis na pagkagulat nang magtanong ako.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang boses ni Candy na ngayon ay pasigaw ng nagsalita tungo sa akin.

"Kelly! Huwag mo sabihing pinagbibintangan mo silang dalaw—"

"Hindi silang dalawa. Pero isa sa kanila."

Napairap na lang ako sa labis na pagkainis at saka mariing tinitigan sina Josh at Lachlan na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.

Sa aking pagtitig sa kanilang dalawa, ay kasabay n'on ang paglisan ko sa harapan nila.

Pakiramdam ko ay alas tres na ng madaling-araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog.

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now