VEINTECUATRO

159 12 4
                                    

Pinaliguan, binihisan, pinakain, at binabalik ko ang loob ni Mommy sa akin.

Sobra akong naluluha habang nakikita ko siyang ganito. Nakikita ko siya na nakatali sa upuan—nakatali ang mga paa at kamay.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngunit ganito ang desisyon ng lahat. Ayaw nila na may masaktan si Mommy dahil sa nakawala siya, sinabi rin nila na dapat ay ang kaligtasan pa rin namin ang dapat na manguna.

Tama naman sila. Ngunit sobra talaga akong nangagamba dahil sa ganito ang nakikita kong sitwasyon ng babaeng nagpalaki sa akin.

Nakaluhod ako sa harapan ni Mommy habang nakatulala naman siya sa kawalan. Hindi ko maintindihan ang emosyon niya sa mga oras na'to pero alam kong sobrang lalim ng iniisip niya.

"M-mommy?" Pagtawag ko dito at saka hinawakan ng mariin ang kanyang mga kamay.

Nakatulala pa rin ito at parang nakatingin sa malayo, "M-mommy? Si Kelly po ito. Anak niyo po ako."

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko sa mga oras na'to. Hindi ako makapaniwala na ganito ang madadatnan kong sitwasyon ni Mommy.

Napailing na lamang ako at saka muling pinunasan ang aking mga natitirang luha sa mukha. Hindi ko alam, kahit na ilang beses ko pang kausapin si Mommy eh hindi niya talaga ako papansinin at kakausapin dahil sa hindi niya naman ako natatandaan.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang paggalaw ni Mommy at ngayon ay nakatingin na siya sa'kin. Mistulang nagulat ako at muling napaayos sa aking pagkakaupo nang titig na titig siya sa akin habang walang emosyon.

"M-mommy." Sa muling pagtawag ko kay Mommy ay nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Masasabi kog wala pa ring emosyon ang mukha niya ngunit ramdam ko ang sakit na nadarama niya sa mga oras na'to.

"R-rape.. rape..."

Mistulan akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon mula kay Mommy. A-anong ibig niyang sabihin?

"R-rape... rape..." Pag-uulit nito at saka ko mariing hinawakan ang kanyang mga kamay. Tila ba'y hindi maiiwasan ng puso ko ang madurog sa mga oras na'to.

Kitang-kita sa mga mata ni Mommy ang labis na pagkatakot. Patuloy niyang iniikot ang kanyang paningin sa paligid at saka paulit-ulit na babanggitin ang salitang 'rape, rape.'

"M-mommy? Ano pong ibig niyong sabihin?" Nangangamba at natatakot kong tanong kay Mommy ngunit wala talaga siyang ibang sinasambit na kataga kung hindi iyon lamang.

Biglang pumasok sa aking isipan ang alaala ni Robert:

"Iho, ano ulit ang pangalan mo?" Pag-uulit ko.

Tumindig ang balahibo ko nang tumingin siya sa akin at pawang nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pero dahil sa ayoko siyang iwan ng ganito ay talagang nilalakasan ko ang loob ko.

"R-robert..."

Mukha namang nahimasmasan na ang pasyente ko at hindi na nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin kung kaya't lakas-loob kong tiningnan muli ang care plan ko at saka muling inalala ang impormasyon tungkol kay Robert.

Ilang ulit kong binasa ang care plan na'to noon ngunit dahil sa gusto ko lang na may mapag-usapan kami ni Robert at para gumaan ang loob niya sa akin ay muli kong tinatanong sa kanya ang mga impormasyon na alam ko naman na.

Tiningnan ko si Robert sa kanyang mga mata at saka inayos ang aking sarili.

"Ano ang dahilan kung bakit ka nandirito?" Panimula ko nang may kalmadong tono.

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now