Dalawang araw ang nagdaan at dalawang araw ko ring hindi nakita si Chad magmula nang madurog ang aking puso sa sinabi niya.
Pilit siyang hinahanap ng mga kasamahan namin ngunit ako ay kalmado lang. Alam ko kasi kung saan siya nagpupunta kapag sa oras na nawawala siya. Marahil ay pinapadalhan siya ni Sebastian ng pagkain para doon na lang kumain sa likod ng building ng Asylum.
Alam na ni Sebastian ang lahat—magmula sa lagusan papalabas ng cabinet, hanggang sa relasyon na tinatago namin ni Chad.
Marahil ay nagulat siya dahil sa mga narinig niya noon nung nasa rooftop kami. Siguro ay clueless si Sebastian noong mga araw na 'yun pero ngayon ay mukhang naliwanagan naman na siya.
Kahit hindi sabihin ni Sebastian na alam niya na ang tungkol sa amin ni Chad, ay alam kong may ideya na siya kung ano ang namamagitan sa aming dalawa. Marahil ay nagdededma-dedmahan lang siya sa lahat ng nangyari.
Aaminin ko, pilit na hinahanap ng puso ko si Chad ngunit kailangan ko talagang gawin 'to. Minsan nga ay gusto kong isipin kung kumusta na ba sila ni Keith? O baka naman sila na ngayon?
Nagdadalamhati ang puso ko lalo na nang maisip ang mga bagay na 'yun. Ngunit kasalanan ko naman talaga lahat eh, ako ang nagsimula nito at ako ang nagbigay kay Chad na parang laruan.
Kung tutuusin ay nagkakamali si Sebastian noong nasa rooftop kami na hindi naman daw ako laruan ni Chad. Sa totoo lang, ay ako ang naglalaro kay Chad sa mga oras na'to.
Pinapahiram ang isang bagay na alam mo namang importante sa'yo.
Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon at aaminin kong wala talaga ako sa matinong pag-iisip. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko ngayon, ano ba ang mas pipiliin mo? Ang puso mo na ipaglaban ang taong mahal mo o ang kapakanan ng taong mamamatay na dahil mahal niya rin ang mahal mo?
Naisip ko naman bigla ang paliwanag ni Chad noon tungkol sa telepathy o telepathia na ang ibig sabihin ay malayong nararamdaman. Marahil ay malayo nga ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sobra ko ng namimiss ang taong malayo sa'kin.
Napapikit na lamang ako habang naghuhugas ng plato. Pakiramdam ko ay ilang minuto na akong naghuhugas dito pero wala pa ring ganap at ni hindi ko manlang mahugasan ito ng maayos.
"Gusto mo bang ako nalang ang maghugas ng plato?"
Napagitla ako bigla nang marinig ang boses pamilyar na nasa likuran ko. Sa aking paglingon ay mistulang wala akong emosyon nang makita si Sebastian.
Nakangiti lang ito sa akin at saka ko iniwas ang tingin ko sa kanya. Maya-maya pa ay nagulat ako nang hatakin niya sa'kin ang plato na hinuhugasan ko.
"Walang mangyayari kung tititigan mo lang 'yang platong hawak mo." Tugon pa nito at hinayaan ko nalang siya na hawakan ang plato na kanina ko pa hawak.
Ilang sandali pa ay napapatulala ako kay Sebastian habang mariin niyang tinititigan ang dishwasher liquid na hawak-hawak niya.
"Walang mangyayari kung tititigan mo lang 'yang dishwashing liquid na hawak mo." Pag-uulit ko pa sa sinabi niya at saka naman ito tumingin sa akin ng walang emosyon.
Ilang sandali pa ay mistulang napaismid ako nang makitang unti-unti niyang binubuksan ang dishwashing liquid na pop-up naman. Tumaas ang kilay ko dahil pinapaikot-ikot niya pa ang takip ng dishwashing liquid para mabuksan ito. Ang pop-up dishwashing liquid kasi ay isang hugutan lang kung kaya't madali lang ito.
Wala naman akong masabi at pilit na pinipigilan ang aking pagtawa sa mga nakikita ko ngayon. At ang lakas pa ng loob niyang mag-prisinta at sabihing tinititigan ko lang ang plato ha? Eh siya pala ang hindi marunong maghugas ng plato jan.
YOU ARE READING
Virtual Asylum [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKelly Salcedo-A fourth-year college student from University of the East and went to a specific game of virtual reality to achieve her dreams and graduated as Bachelor of Psychology (Honours) together with her classmates. Her life was full of misera...