VEINTESEIS

166 14 4
                                    

Nandito ulit ako sa isang napakagandang hardin. Napaka-pamilyar sa akin ng hardin na ito—ang hardin kung saan ako itinulak ni Robert sa isang gintong kabaong.

"R-robert? Robert, nasaan ka?" Walang takot akong nagtatanong sa kawalan habang iniikot-ikot ko ang aking paningin sa paligid.

Tila ba'y hindi pa rin kumukupas ang ganda nitong hardin na ito at kasabay pa doon ay ang malalaking puno at nagsisiliparan na mga paru-paro.

Sa aking pagkahanga ay ramdam ko ang kilabot sa buo kong katawan lalo na nang makita si Robert.

"R-robert?" Pag-uulit ko. Kumunot ang aking noo dahil sa hindi makapaniwalang itsura ni Robert ngayon.

Sobrang ayos ng kanyang mukha pati na rin ang kanyang buhok. Nakaputi pa rin siya na kasuotan at itim na pantalon. Tila ba'y naisip ko, kung hindi lang naging malala ang sitwasyon ni Robert ay sobrang gwapo niya talagang binata at natitiyak ko na maraming babae ang magkakagusto sa kanya kung hindi lamang siya nakulong sa Mental Hospital at nabaliw.

Walang emosyon na nakatingin sa akin si Robert. Sobrang putla ng kanyang labi habang nakatitig lang ito na naging dahilan para mas lalo akong kilabutan ng husto.

"R-robert. Bakit napaginipan kita uli? A-anong ibig sabihin ng mga ito?" Kinakabahang tanong ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya pa rin ako iniimik.

Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata dahil na rin sa sobrang pagkakaba. Pakiramdam ko ay malaki ang galit sa akin ni Robert kung kaya't...

"Sana ay patawarin mo ako kung ano man ang kasalanang nagawa ko sa'yo." Tugon ko rito at mistulang hindi pa rin siya umiimik.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang kahinaan ko dahil sa natitiyak kong mabigat ang atraso ko kay Robert.

"Nais kong balaan ka..." Narinig kong pagsaad nito na naging dahilan para kilabutan ako ng husto. Ang kanyang boses ay tipikal na boses ng isang binata at wala namang kakaiba doon.

Balaan? A-anong ibig niyang sabihin?

"A-anong ibig mong sabihin Robert?"

Hindi lang ako inimik nito at saka na siya tumalikod sa akin. Ilang sandali pa ay napatigil siya sa kanyang paglalakad nang may banggitin siyang muli na naging dahilan ng pagkatigil ng mundo ko.

"Huwag kanang lalapit pa sa lalaking nagpapatibok ng iyong puso."

Tila ba'y nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig iyon. S-si Chad ba ang tinutukoy niya? Ngunit bakit? Anong dahilan?!

Akmang magtatanong pa sana ako kay Robert ngunit mistulang isa itong bula na nawala na lamang bigla. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa kanyang sinabi at mistulang nanghina ang aking loob.

Hindi ko alam kung ano ang nais na pinapahiwatig ni Robert ngunit dalawa lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito—kaba at takot.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay kasabay n'on ang matinding liwanag na nagmumula sa pinakabintana ng hall. Sobra akong hinihingal nang magising ako, tila ba'y pagod na pagod ako at daig ko pa ang nakipaghabulan. Tumatagaktak rin ang pawis ko sa buo kong katawan pati na rin sa aking mga palad.

A-anong klaseng panaginip 'yun? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapanatag sa panaginip na iyon. Isa ba iyong totoong babala o ilusyon lamang?

Sa aking pag-upo ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Keith na naging dahilan para mapatigil ako. Napaka-walang emosyon ng kanyang mukha at ilang sandali pa ay natulala na lamang ako nang lumapit siya sa kinaroroonan ko.

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now