VEINTESIETE

149 15 6
                                    

Sobrang naloloka pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga nalaman ko kay Chad. Matapos namin mag-usap kagabi sa likod ng building ng Asylum ay hindi pa rin ako mapakali.

Aaminin ko na sobra akong kinikilig hanggang ngayon dahil sa mga nalaman ko kay Chad na umpisa palang pala ay siya na ang lalaking unang nakatagpo sa akin, at hindi ko nakita 'yon. Dahil simula't-sapul ay nabulag ako sa lalaking kahit kailan ay hindi naman mapapasakin.

At si Sebastian 'yon. Nang malaman kong naging sila ni Haley ay talagang nawalan na ako ng interest na magkagusto pa sa kanya. Dahil una sa lahat, ay alam kong ganun lang pala ako kadaling palitan kahit na sabihin niya pang ako ang nagtatanging babae na minahal niya at wala ng iba.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa sobrang pag-iisip. Halos hindi rin mawala sa problema ko ang lahat ng sinabi ni Keith sa akin kahapon tungkol sa pakikiusap niya na hayaan ko munang mapasakanya si Chad bago siya mamamatay.

Aish! Sobrang dami na talaga ng problemang 'to! Paano ko 'to maso-solusyunan?

Hindi ko alam. Pero alam ko naman sa sarili ko na may malaking puso ako kung kaya't napagisip-isip ko na hayaan muna si Keith sa kagustuhan niya kahit labag rin sa kagustuhan ko.

Alam kong hindi laruan si Chad at hindi rin naman laro itong nararamdaman ko. Ngunit kahit ilang beses siyang mag-I love you sa akin ay hindi ko manlang magawang mag-I love you back. Sobrang nahihiya na talaga ako kay Chad at natatakot.

At isa pa, ay hindi pa naman official ang pagkakaroon namin ng relasyon ni Chad. Hindi niya pa hinihingi ang kamay ko at hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na gusto ko siya. Hindi pa rin alam ng lahat na may namamagitan sa aming dalawa kung kaya't hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Mutual lang, pero walang label.

Pakiramdam ko ay may tumutusok na ilang karayom sa puso ko nang mapagtantong wala pala kaming label ni Chad. Oo, nag-kiss na kami. Pero sapat ba iyon para masabing kayo na talaga? Feeling ko ay hindi.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka ko naman napag-isipan na tumungo sa rooftop. Abalang-abala kasi ang lahat ngayon sa mga ginagawa nila at ngayon ang ika-pitong linggo ng aming misyon. Pitong linggo na pero wala pa ring nangyayari sa misyon namin, walang ganap.

Sa aking pag-akyat dito sa rooftop ay biglang kumunot naman ang aking noo nang makitang nakabukas ng bahagya ang pintuan at natitiyak kong may tao sa loob.

Hindi pa ako pumapasok ng tuluyan at saka ako sumilip sa nakauwang na pintuan upang makita ang kung sino 'mang nasa loob ng rooftop.

Nanlaki kaagad ang aking mga mata nang makita si Sebastian...at anong ginagawa niya?

Sumasayaw siya sa mga oras na'to?

Napahagikgik naman ako bigla at saka pumasok na ng tuluyan sa rooftop. Ayokong abalahin siya pero nakikita kong magaling siyang sumayaw! In fareness ha, hindi ko alam na talented pala itong si Sebastian!

Wala akong inilalabas na salita sa aking bibig na kahit ano upang hindi mapansin ni Sebastian na nandito lang ako sa likuran niya. Kitang-kita ko naman ang swabe moves ni Sebastian. Ang bawat galaw niya ay hindi bara-bara at hindi rin sobrang lambot. At higit sa lahat, ay hindi parehas kaliwa ang paa niya—hindi tulad ko.

Nakakatuwang isipin na ngayon ko lang talaga nalaman na magaling pala sumayaw si Sebastian. May moves pa siya na itinataas ang kanyang kamay na parang nagwe-Wellness at talagang nagla-lock ang katawan niya. Wow!

Sa sobrang paghanga ko ay hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako habang pinapanood si Sebastian. Ilang sandali pa ay nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa pagsasayaw. Kahit walang music ay nakikita ko ang pakamiss niya sa hobby niyang ito.

Virtual Asylum [COMPLETED]Where stories live. Discover now